John Roson Archives | Page 51 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 51 of 149 | Bandera

Mag-asawa pinagtataga ng anak; ama patay, sinunog pa

NASAWI ang isang lalaki at sugatan ang kanyang asawa nang pagtatagain ng kanilang anak, sa Negros Occidental nitong Martes. Matapos mapatay ang 55-anyos na amang si Helardo Benarao ay sinunog pa ng suspek na si Jun-Jun Benarao, 36, ang katawan ng una, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Patuloy namang nilulunasan sa isang […]

Mga baril, granada samsam sa bahay ng mayor, resort ng vice mayor

NASAMSAM ang sari-saring baril, bala, at mga granada nang salakayin ng mga pulis at sundalo ang bahay ng mayor ng Batuan, Masbate, at resort ng ama niyang vice mayor, Miyerkules ng umaga. Isinagawa ang operasyon isang araw matapos paalalahanan ni National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde ang mga PNP unit na sumunod sa 8-point […]

5 ‘gunrunner’ patay, pulis sugatan sa engkuwentro

PATAY ang umano’y lider ng isang gunrunning syndicate at apat nitong tauhan habang isang pulis ang sugatan, nang magkabarilan sa operasyon sa Quezon City, Martes ng hapon. Dead on the spot si Michael Desuyo at kanyang mga tauhan, habang sugatan si PO1 Ronald Pornea, ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District. Nakasagupa […]

Van, kotse inararo ng Army  truck: 7 sugatan

PITO katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang mabundol ng trak ng Army ang isang van at kotse, sa Murcia, Negros Occidental, nitong Linggo. Sugatan ang van driver na si Ariel Opilario at anim niyang sakay, na kinabibilangan ng 1-taong gulang na sanggol, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police. Bumaligtad ang sinakyan […]

P5.4M cocaine natagpuan sa dagat

NATAGPUAN ng mga mangingisda ang mahigit P5.4 milyon halaga ng cocaine sa bahagi ng dagat na sakop ng Vinzons, Camarines Norte, nitong Linggo. Nadiskubre ni Alfredo Vega, 61, at anak niyang si Alfredo Jr. ang driga sa loob ng isang kahong lumulutang malapit sa Quinamnucan Island dakong alas-11:55, sabi ni Chief Insp. Ma. Luisa Calubaquib, […]

Chairman sinaksak ng lasing, patay

NASAWI ang isang barangay chairman ng Pili, Camarines Sur, matapos saksakin ng lasing na lalaking kanyang inawat sa panggugulo, Sabado ng madaling-araw. Itinakbo pa sa ospital si Daniel Bismonte, chairman ng Brgy. Tinangis, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Bicol regional police. Naganap ang insidente sa Zone 1B, Upper Lampog, ng […]

Kawal-intel nalasing, nagpaputok, dakip

ARESTADO ang isang intelligence operative ng Army matapos na walang habas umanong magpaputok ng baril habang lasing, malapit lang sa kampo ng militar sa Tanay, Rizal, Huwebes ng gabi. Nadakip si Rick Jay Icaro, aktibong miyembro ng Armed Forces at nakatalaga sa Army 2nd Infantry Division bilang intelligence operative, ayon sa ulat ng Calabarzon regional […]

Equipment para sa gov’t dam project sinunog ng NPA

SINUNOG ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang apat na heavy equipment na ginagamit para sa pagpapatayo ng gobyerno ng isang dam sa Infanta, Quezon, Biyernes ng umaga. Sinilaban ng aabot sa 15 rebelde ang tatlong back hoe at isang bulldozer na pag-aari ng Northern Builders Corp., sa Sitio Queborosa, Brgy. Magsaysay, dakong […]

‘Killer maid’ dakip

ARESTADO ang kasambahay na nahaharap sa kaso para sa pagpatay sa isang dalagita sa Baguio City, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Alaminos City, Pangasinan, nitong Miyerkules. Nadakip si Marites Rilloraza Judan, itinuturing na number 1 most wanted person sa Baguio para sa pagpatay sa 15-anyos na si Allery Wagayen sa lungsod noong Mayo […]

Nasagip na kidnap victim tinumba

NASAWI ang isang negosyante nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Candelaria, Quezon, Lunes ng gabi, wala pa isang taon matapos siyang mabawi ng mga pulis sa mga kidnaper. Ikinasawi ni Ronaldo Arguelles, 41, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang pamamaril […]

Intel cop, armado patay sa barilan

PATAY ang isang intelligence operative ng pulisya at isang armadong lalaki nang magbarilan sa isang gymnasium sa Cavite City, Biyernes ng gabi. Nakilala ang mga nasawi bilang sina PO1 Joseph Tan, na intelligence operative ng Cavite City Police, at Musanip Palao, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7:40, sa Montano […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending