Van, kotse inararo ng Army  truck: 7 sugatan

By John Roson February 11,2019
share this

Van, kotse inararo ng Army  truck: 7 sugatan

By John Roson February 11,2019
share this

PITO katao, kabilang ang isang sanggol, ang nasugatan nang mabundol ng trak ng Army ang isang van at kotse, sa Murcia, Negros Occidental, nitong Linggo.

Sugatan ang van driver na si Ariel Opilario at anim niyang sakay, na kinabibilangan ng 1-taong gulang na sanggol, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Bumaligtad ang sinakyan nilang Isuzu Carry van nang mabundol mula sa likod ng KM450 truck na dala ni Tsgt. Bonifacio Silvano, sa Purok Sambag, Brgy. Lopez Jaena, pasado alas-12 ng tanghali.

Sa kabila nito’y patuloy pang pinatakbo ni Silvano ang trak, hanggang sa mabundol din ang likod ng Honda City sedan na dala ni Albert Rivera, ayon sa ulat.

Dinitine si Silvano sa Murcia Police station para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

Dinala naman ang mga sugatan sa isang pagamutan sa Bacolod City para malunasan. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending