'Killer maid' dakip | Bandera

‘Killer maid’ dakip

John Roson - February 07, 2019 - 06:29 PM

ARESTADO ang kasambahay na nahaharap sa kaso para sa pagpatay sa isang dalagita sa Baguio City, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Alaminos City, Pangasinan, nitong Miyerkules.

Nadakip si Marites Rilloraza Judan, itinuturing na number 1 most wanted person sa Baguio para sa pagpatay sa 15-anyos na si Allery Wagayen sa lungsod noong Mayo 2016, sabi Chief Supt. Romulo Sapitula, direktor ng Ilocos regional police.

Dinampot din ang live-in partner niyang si Manuel Balangatan, na nakitang kasama niya sa Dampay st. Brgy. Poblacion, Alaminos, Miyerkules ng umaga.

Isinagawa ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group, Alaminos City Police, intelligence operatives ng Pangasinan at La Union, at iba pang police unit ang operasyon sa bisa ng mga arrest warrant na inisyu ng iba-ibang korte laban kay Judan para sa robbery with homicide, qualified theft, at adultery.

Matatandaang pinagsasaksak hanggang sa mapatay si Wagayen sa loob ng kanilang bahay sa Baguio, nang maiwan sa pangangalaga ni Judan habang nagtatrabaho ang kanyang magulang.

Bukod dito’y suspek din si Judan, na gumamit ng mga alyas na “Marites Relloraza,” “Florence Macaalay,” “Marites De Guzman,” “Brenda Mendoza,” at “Brenda Ducusin,” sa isang insidente ng pagnanakaw sa Bangar, La Union, at itinuturo sa mga nakawan sa Sta. Cruz, Ilocos Sur, ani Sapitula.

Dinala sina Judan at Balangatan sa Alaminos City Police Station matapos maaresto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending