PATAY ang isang intelligence operative ng pulisya at isang armadong lalaki nang magbarilan sa isang gymnasium sa Cavite City, Biyernes ng gabi.
Nakilala ang mga nasawi bilang sina PO1 Joseph Tan, na intelligence operative ng Cavite City Police, at Musanip Palao, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:40, sa Montano Hall na nasa Brgy. 41 Caridad.
Binabantayan ni Tan ang isinasagawang liga ng basketball sa naturang gymnasium, nang paputukan siya ni Palao, ayon sa ulat.
Sa kabila ng tinamong sugat, nagawa pang paputukan ni Tan nang ilang beses si Palao, hanggang sa mapatay ang armado.
Matapos iyo’y itinakbo si Tan sa Bautista Hospital, pero di na umabot nang buhay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.