6 patay sa police ops Bulacan, Pampanga | Bandera

6 patay sa police ops Bulacan, Pampanga

John Roson - January 29, 2019 - 05:17 PM

ANIM katao ang napatay nang umano’y manlaban sa mga pulis, sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan at Pampanga, nito lang Lunes.

Napatay sina Norberto Ligon, 29; Ariel Bunag, 22; at isang RJ De Leon sa mga operasyon kontra iligal na droga mula Lunes ng umaga hanggang gabi, sa Meycauayan City, Baliwag, at Pulilan, ayon sa pagkakasunod, sabi ni Senior Supt. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan provincial police.

Nakuhaan ang tatlo ng tig-iisang kalibre-.38 revolver, kabuuang walong sachet ng hinihinalang shabu, at isang sachet ng marijuana.

Napatay naman ang 40-anyos na si Rico Reyes, na nasa drug watchlist ni Pangulong Rodrigo Duterte, at Noel Reyes, 50, nang makipagbarilan din umano sa mga pulis na nagsagawa ng raid laban sa di lisensyadong baril, sa Brgy. Sto Cristo, Pulilan, pasado alas-7 ng gabi.

Nakuhaan sila ng isang kalibre-.38 revolver, kalibre-.45 pistola, at isang granada, ani Bersaluna.

Samantala, napatay din si Andrei Amurao nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga, Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Nakutuban umano ni Amurao na pulis ang katransaksyon kaya nanakbo sa loob ng bahay, at doon nagpaputok.

Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre-.38 revolver, 19 sachet ng hinihinalang shabu, digital weighing scale, cellphone, mga drug paraphernalia, at ang P1,000 marked money.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending