SUGATAN ang Pilipina nang gulpihin diumano ng dalawang Chinese sa pinagtatrabahuhan niyang KTV bar sa Pasay City kahapon ng umaga. Dinala sa ospital ang biktimang si Monica Mae Saturos para masuri, ayon sa ulat ng Pasay City Police. Inaresto naman ang mga suspek na sina Chen Uwen Li, 29, babae; at Liu Xu Ming, 27, […]
NASAGIP ng mga tauhan ng Coast Guard ang walong pulis at isang sibilyan nang masiraan ng makina at bahagyang lumubog ang sinakyan nilang bangka, sa bahagi ng dagat na sakop ng Cavite, Lunes ng gabi. Nakilala ang mga nasagip bilang sina SSgts. Harry Narial, Andrei Abesamis, at Ma. Suzette Bayag-o; Cpls. Mary Jane Basilan at […]
NALUNOD ang 27-anyos na seaman nang mag-swimming sa bahagi ng Magat River na sakop ng Cabatuan, Isabela, Linggo ng gabi. Itinakbo pa sa ospital si Gian Andres matapos makuha ng mga rescuer sa tubig, ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Naganap ang insidente dakong alas-7:20, sa bahagi ng […]
UMABOT na sa lima ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril ng nag-amok na dating sundalo, sa General Trias City, Cavite, nitong Linggo. Binawian ng buhay sina Alberto Sorio, 57, isang retiradong kawal; Recto Marbit, 47, tricycle driver; at Pilar Bacaoco, 34, habang nilulunasan sa ospital, ayon sa ulat na inilabas ng city police […]
ISANG tao ang binaril at nasugatan, habang aabot sa 30 pa ang hostage ngayon ng isang dating security guard sa V-Mall ng Greenhills Shopping Center, San Juan City, ayon sa mga awtoridad. Hawak ng dating guwardiya, na armado ng baril, ang 30 empleyado ng mall sa loob ng administration office, sabi ni City Mayor […]
NASAWI ang 15-anyos na binatilyo nang makipagbarilan diumano sa isang pulis na sumubok pumigil sa “rambol” ng dalawang grupo ng kabataan, sa Dasmariñas City, Cavite, Sabado ng hapon. Kaugnay ng insidente’y may dinampot na 14-anyos na binatilyo na sangkot din sa rambol, ayon kay Col. Marlon Santos, direktor ng Cavite provincial police. Kinilala ni […]
DALAWANG tao ang nasawi at lima pa ang nasugatan nang mag-amok at mamaril ang isang dating sundalo, sa General Trias City, Cavite, Linggo ng umaga. Kabilang sa mga nasawi ang suspek na si Junny Palacio, 47, retiradong sundalo na ngayon ay may negosyo bilang contractor ng construction, ayon sa ulat ng General Trias City Police. […]
NATAGPUANG patay ang principal ng isang pampublikong eskuwelahan matapos mag-check in sa isang motel sa Ilagan City, Isabela, Huwebes ng hapon. Nakilala ang nasawi bilang si Edford Rico, residente ng Brgy. Lingaling, Tumauini, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Si Rico ay punung guro ng Lalauanan National High School, ayon sa Tumauini PNP. Natagpuang […]
APAT katao ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang sinakyan nilang kotse sa isang trak sa bahagi ng Maharlika Highway na nasa Gumaca, Quezon, Biyernes ng umaga. Kabilang sa mga nasawi si Joseph Dumlao, 33, residente ng Pasig City, na nagmaneho ng kotseng Mitsubishi Mirage (NCS-5879), ayon sa ulat ng Quezon […]
NADAKIP ang isang dating modelo ng sikat na men’s magazine nang mahuli umanong nagbebenta ng iligal na droga, sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal, Miyerkules ng hapon. Nakilala ang naaresto bilang si Charlene “Cindy” Mecayer, ayon kay Aaron Aquino, pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency. Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA ang operasyon sa isang […]
NATAGPUANG walang buhay at nakabigti ang isang lalaki matapos umanong pagsasaksakin at mapatay ang kanyang misis, sa Candon City, Ilocos Sur, nitong Martes. Nakilala ang mga nasawi bilang sina Raymund Ganacias Soriano, 35, at Bernadet Gampew Soriano, nasa ligal na edad, ayon sa ulat ng Ilocos regional police. Naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali, […]