outbrain

Ex-FHM model dakip sa buy-bust

By John Roson February 26,2020
share this

Ex-FHM model dakip sa buy-bust

By John Roson February 26,2020
share this

NADAKIP  ang isang dating modelo ng sikat na men’s magazine nang mahuli umanong nagbebenta ng iligal na droga, sa buy-bust operation sa Taytay, Rizal, Miyerkules ng hapon.

Nakilala ang naaresto bilang si Charlene “Cindy” Mecayer, ayon kay Aaron Aquino, pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Isinagawa ng mga tauhan ng PDEA ang operasyon sa isang apartment sa Greenwoods Executive Village, Brgy. Sta. Ana, dakong alas-4:30.

Dinampot si Mecayer, na dating modelo ng FHM at event organizer, nang magbenta ng shabu at ecstasy, ani Aquino.

Nakuhaan ang suspek ng humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu, tatlong tableta ng umano’y ecstasy, at siyam na improvised tooter.

Patuloy pang iniimbestigahan ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, ani Aquino. (John Roson)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending