Ex-Army nag-amok: 2 patay, 5 sugatan | Bandera

Ex-Army nag-amok: 2 patay, 5 sugatan

John Roson - March 01, 2020 - 05:02 PM

DALAWANG tao ang nasawi at lima pa ang nasugatan nang mag-amok at mamaril ang isang dating sundalo, sa General Trias City, Cavite, Linggo ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ang suspek na si Junny Palacio, 47, retiradong sundalo na ngayon ay may negosyo bilang contractor ng construction, ayon sa ulat ng General Trias City Police.

Nasawi siya nang magbaril sa ulo matapos mamaril, ayon sa ulat.

Patay din ang isa sa kanyang mga binaril, na nakilala bilang si Murharma Bautista, 59.

Kabilang naman sa mga sugatan ang mga kapitbahay nilang sina Alberto Sorio, 57, isa ding retiradong kawal; Recto Marbit, 47, tricycle driver; at Pilar Bacaoco, 34.

Sugatan din sina CMSgt. Zaldy Espiritu, commander ng Community Police Assistance Center (COMPAC) na rumesponde sa insidente, at tauhan niyang si SMSgt. Reynante Tan.

Naganap ang insidente sa Purok 6, Sitio Carapiohan, Brgy. Santiago, dakong alas-8:45.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente’y nakita si Palacio na may dalang kalibre-.38 revolver at hinahanap ang anim kataong nanira diumano sa kanyang pagiging contractor.

Binaril niya sina Bautista at Sorio habang nag-uusap ang dalawa malapit sa talipapa, ayon sa ulat.

Pinaputukan ng suspek si Marbit habang nagkukumpini ng tricycle, habang si Bacaoco ay binaril sa loob ng kanyang bahay.

Agad rumesponde ng mga tauhan ng pinakamalapit na COMPAC nang matunugan ang insidente, pero pinaputukan din sila ni Palacio, ayon sa pulisya.

Nagtamo si Espiritu ng tama ng bala sa kanang braso, habang si Tan ay tinamaan sa kanang braso’t katawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito’y hinabol ng iba pang rumespondeng pulis si Palacio at nang makorner ito’y pinasuko, pero biglang nagbaril sa noo ang suspek at agad namatay, ayon sa ulat.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang lokal na pulisya kaugnay ng insidente, habang isinusulat ang istoryang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending