outbrain

Misis kinatay, mister nag-suicide

By John Roson February 26,2020
share this

Misis kinatay, mister nag-suicide

By John Roson February 26,2020
share this

NATAGPUANG walang buhay at nakabigti ang isang lalaki matapos umanong pagsasaksakin at mapatay ang kanyang misis, sa Candon City, Ilocos Sur, nitong Martes.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Raymund Ganacias Soriano, 35, at Bernadet Gampew Soriano, nasa ligal na edad, ayon sa ulat ng Ilocos regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali, sa Brgy. Salvador 2nd.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na bago ang insidente’y nagtungo si Raymund sa tahanan ng kapitbahay na si Melanie Gabayan at humiram ng kutsilyo, bago umuwi.

Ilang minuto lang matapos iyo’y nakadinig na lang umano si Gabayan ng mga sigaw mula sa bahay ng mga Soriano, kaya agad nagtungo doon.

Nakita pa umano ni Gabayan na sinasaksak ni Raymund si Bernadet, ayon sa ulat.

Dahil sa nasaksihan ay humingi siya ng saklolo sa mga kapitbahay, pero inabutan nilang nakabigti si Raymund, ayon sa pulisya.

Itinakbo pa sina Raymund at Bernadet sa Candon General Hospital, pero kapwa idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Nagsasagawa pa ang lokal na pulisya ng karagdagang imbestigasyon sa insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending