Angelito Oredo Archives | Page 33 of 115 | Bandera

Angelito Oredo Archives | Page 33 of 115 | Bandera

POC ‘nagkagulo’ sa Kuala Lumpur SEAG

KUALA Lumpur — Inaasahang ipapasa ngayong araw ng 29th Southeast Asian Games host Malaysia ang baton sa Pilipinas bilang host ng 2019 Games. Binigyan ng Malaysia Organizing Committee (MASOC) ang Pilipinas na maghandog ng 10 minutong presentasyon upang maipakita ang nais nitong gawin para sa 2019 SEA Games subalit nabalot ng kaguluhan ang tradisyunal na […]

PH wagi ng ginto sa pencak

KUALA Lumpur, Malaysia — Hinablot ni Dines Dumaan ang ika-24 gintong medalya ng Pilipinas kahapon matapos magwagi sa men’s tanding class A (45-50 kg) division ng pencak silat sa 29th Southeast Asian Games na ginanap dito sa Bukit Kiara Sports Complex. Tatlong beses nagawang i-pin down ni Dumaan ang kalabang Indonesian na si Firman upang […]

PH nag-uwi ng ginto sa equestrian

KUALA LUMPUR – Ibinigay ni John Collin Syquia ang isa pang ginto sa Team Pilipinas matapos itala ang pinakakaunti na pagkakamali sa Individual Showjumping sa Equestrian Lunes ng umaga sa 29th Southeast Asian Games dito sa 3Q Equestrian Park sa Rawang, Malaysia. Hindi nagpatalo sa run-off ang 46-anyos na si Syquia sakay ng kanyang kabayo […]

Centeno naka-gold sa SEA Games women’s 9-ball singles

KUALA LUMPUR, Malaysia — Napanatili ni defending champion Chezka Centeno ang kanyang women’s 9-ball singles title Linggo matapos mag-scratch ang kakampi sa pambansang koponan na si Rubilen Amit sa pinakahuling rack para sa nakakahindik na pagtatapos ng kampeonato ng 29th Southeast Asian Games billiards and snooker competition dito sa Hall 2 ng Kuala Lumpur Convention […]

Pilipinas wagi ng ginto sa men’s poomsae team event

KUALA LUMPUR, Malaysia – Pinutol ng Philippine men’s poomsae team ang pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya Sabado sa pagwawagi nito sa pagsisimula ng 29th Southeast Asian Games taekwondo competition dito sa Kuala Lumpur Convention Center. Ipinalamas ng trio ng magkapatid na Dustin Jacob at Raphael Enrico Mella kasama si Rodolfo Reyes, Jr. ang halos […]

Watanabe sasabak na sa SEA Games judo

KUALA Lumpur — Sa anim na atletang ilalahok ng Pilipinas sa judo competition ng 29th Southeast Asian Games na mag-uumpisa ngayon dito sa KL Convention Centre ay inaasahan nitong mananalo ng dalawang gintong medalya. “We are trying to get four medals, two golds but we are assured of one sa event ni Kiyomi (Watanabe),” sabi […]

PH kampeon sa SEAG ice hockey

  KUALA Lumpur, Malaysia — Hindi nagpatinag ang Philippine men’s ice hockey team sa protesta at hindi paglalaro ng kanilang team captain sa final match upang tanghaling pinakaunang kampeon sa ice hockey competition ng Southeast Asian Games dito sa Empire City, Damansara Perdana. Mahigit dalawang oras naantala ang gold medal match matapos iapela ng Pilipinas […]

Finals berth pakay ng Gilas Pilipinas

Mga Laro Ngayon sa MABA Stadium 10:15 a.m. Philippines vs Vietnam (women) 5 p.m. Philippines vs Singapore (men) KUALA Lumpur — Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Gilas Pilipinas para matagumpay na maiuwi ang ika-18 na gintong medalya sa men’s basketball ng Southeast Asian Games. Makakasagupa ng Pilipinas, na nanguna sa Group A na […]

Marcial, Tupas naka-gold sa SEA Games boxing

KUALA LUMPUR – Iginanti nina Marvin John Nobel Tupas at Eumir Felix Marcial ang kanilang mga kakampi na nabigo sa mga kuwestiyonableng laban sa pagbibigay ng dalawang gintong medalya sa boxing competition ng ginagawa dito na 29th Southeast Asian Games sa Malaysia International Trade and Exhibit Center Hall 8. Hinablot ni Tupas ang kanyang unang […]

PH kontra Malaysia sa SEAG women’s volleyball

Laro Ngayon (MITEC Hall 8) 2 p.m. Philippines vs Malaysia KUALA LUMPUR, Malaysia – Sasabak ngayon ang Pilipinas sa matinding giyera sa pagtatangkang makamit ang panalo na makakapagtulak dito sa mas matinding labanan sa 29th Southeast Asian Games women’s volleyball competition ngayon sa MITEC Hall 8 dito. Ang star-studded Nationals ay sasagupain ang mga Malaysians […]

3 PH boxers tutumbukin ang ginto ngayon

KUALA LUMPUR — Limang araw na mula nang magbukas ang 29th Southeast Asian Games noong Sabado sa Kuala Lumpur, Malaysia pero matumal pa rin ang dating ng gintong medalya para sa Pilipinas. Gayunman, tatlong ginto ang inaasahan ng Pilipinas ngayong hapon sa boxing kung saan lalaban sa finals sina Mario Fernandez, Eumir Felix Marcial at […]

Previous           Next
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending