BINI Maloi patuloy pa rin ang pag-uukay kahit sikat na

BINI Maloi patuloy pa rin ang pag-uukay kahit sikat na

Therese Arceo - November 05, 2024 - 11:07 PM

BINI Maloi patuloy pa rin ang pag-uukay kahit sikat na

SA kabila ng kanilang kasikatan ay hindi pa rin nawawala sa BINI member na so Maloi Ricalde ang pagkahilig sa pag-uukay.

Sa episode ng “On Cue” na inilabas nitong Lunes, November 4, ibinandera ng dalaga ang dahilan kung bakit bet na bet pa rin niya ang pagbili sa mga ukay-ukay.

“That promotes sustainable fashion,” saad ni Maloi.

Dagdag pa niya, gusto raw kasi niya ang mga unique outfits.

Baka Bet Mo: BINI Maloi nag-alala nang todo sa pamilyang sinalanta ni Kristine

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Vintage, gano’n. Tapos kakaiba. ‘Yong parang akala mo normal shorts ta’s biglang may lace sa baba,” lahad pa ni Maloi.

Chika pa niya, parang maraming surpresa sa tuwing nag-uukay siya.

“‘Yong parang ang daming surprises. Parang ang daming texture na hindi mo siya makikita sa mall or sa online. So, I love ukay,” proud na sey ni Maloi.

Noon ay nagkaroon rin ng vlog ang BINI kung saan mapapanood ang mga members na namimili ng kanilang mga magiging outfit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Maloi, marami ring mga kilalang celebrities ang tumatangkilik sa pag-uukay.

Sa katunayan, may naging outfit rin si Maris Racal na ibinandera sa social media na nagkakahalaga lamang ng P50.

Samantala, marami rin sa mga followers ni BINI Maloi ang humanga sa dalaga dahil sa pagtangkilik nito sa ukay-ukay na nakakatulong sa kalikasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending