BINI Maloi nag-alala nang todo sa pamilyang sinalanta ni Kristine
KABILANG ang pamilya ng BINI member na si Maloi Ricalde sa mga nasalanta ng matinding hagupit ng bagyong Kristine sa Batangas.
Nag-aalala ngayon si Maloi para sa kanyang pamilya at mga kababayan sa Lemery, Batangas na labis naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dahil kay Kristine.
“Worried po ako ngayon honestly kasi iniisip ko po ang kalagayan ng pamilya ko po, ang mga relatives ko po nasa Batangas.
“So nakita ko po sa news na grabe po ngayon ang dinaranas ng mga tao sobrang hirap na hirap po sila ngayon,” ang pahayag ni Maloi sa panayam ng ABS-CBN.
Sa katunayan, napakahirap pa rin daw ng komunikasyon sa ilang bahagi ng Batangas dahil sa kawalan ng signal.
Baka Bet Mo: Kris ibinuking si Angel: Nagbigay po siya ng P2M para sa mga nasalanta ng bagyo
“Ngayon po, hindi pa po namin sila nako-contact pero ginagawan po namin ng paraan para puntahan po sila at maabutan po ng tulong. And ako po, tulad po ng sabi ko kanina, hangga’t kaya ko pong tumulong, tutulong po ako,” lahad ni BINI Maloi.
Patuloy pa niya, “Nabalitaan ko po sa parents ko po na ‘yung tita ko po sila po mahirap i-contact.
View this post on Instagram
“Hindi po nila maiwan ang bahay nila, malakas po ang hangin since malapit po sila sa dagat nakatira mahirap po talaga. Ngayon po iniisip ko na lang na sana maging okay po ang lahat,” aniya pa.
Nauna na naming naibalita rito sa BANDERA ang pagdo-donate ng BINI ng P1 million sa isinasagawang “Tulong-tulong Hanggang Dulo” donation drive ng ABS-CBN Foundation, para sa mga biktima ni Kristine.
Bukod dito, nanawagan din si Maloi at iba pang miyembro ng BINI sa pamamagitan ng social media sa madlang pipol na tumulong din sa abot ng kanilang makakaya.
“Anything na related para makatulong po sa mga nasalanta sini-share ko po. Maliit na bagay ang pag-repost lang pero alam ko po na gusto ko pong gamitn ang platform ko para mai-share po sa ibang tao ang balita,” sabi ng dalaga.
Dugtong pa niya sa naturang panayam, “Ngayon po, pare-parehas po kaming nasa ganitong sitwasyon kahit po na wala silang mga pamilya sa mga lugar na nasalanta, alam ko pong ‘yung mga puso po nila nag-aalala po sa mga kalagayan po ng mga kababayan po natin.
“And sobrang saya lang po talaga na nakatulong kami kahit paano po sa mga tao and ‘yun po ang goal namin,” sey pa ni Maloi.
Mensahe pa niya sa mga kababayan nating grabeng naapektuhan ng bagyong Kristine, “Sa mga Kapamilya po natin na nasalanta ng bagyo, huwag po kayong panghinaan ng loob.
“Alam po namin na sobrang hirap po ng mga dinaranas niyo po ngayon pero andito po kami, tutulong at tutulong sa inyo kahit na nasa maliit na bagay, wag po kayong mahihiyang humingi ng tulong dahil pupunta po kami kung nasaan po kayo hangga’t kaya po namin,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.