Coco kay Julia: Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal n’ya sa ‘kin
PROUD na proud ang award-winning actor na si Coco Martin sa kanyang partner na si Julia Montes matapos mapanood ang trailer ng “Saving Grace.”
Ito ang latest acting project ni Julia sa ABS-CBN kung saan muli niyang makakasama ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang Kapamilya hunk actor na si Sam Milby.
Ngayon pa lang ay excited na ang lead star ng hit action-series na “FPJ’s Batang Quiapo” sa upcoming teleserye ni Julia lalo na nang mapanood daw niya ang ilang eksena sa programa.
“Sobrang proud, at ako din sobrang proud sa kanya kasi nakita ko na ‘yung trailer ng ‘Saving Grace,’ grabe sabi ko parang pelikula. Galing ng mga directors and actors,” ang pahayag ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.
Baka Bet Mo: Julia Montes iniligtas ni Deo Endrinal, natakot sa ‘Saving Grace’
Kasabay nito, nagpasalamat din ang premyadong aktor kay Julia dahil sa pagmamahal at suportang ibinibigay nito sa kanya at sa lahat ng mga ginagawa niyang proyekto.
“Nakakatuwa kasi ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal niya sa akin sa lahat ng ginagawa ko, mapa-pelikula o soap opera at sa pagpo-produce ko,” saad pa ng Teleserye King.
View this post on Instagram
Dagdag pa niya, “Ang sarap na alam mo mayroon kang katuwang na alam mong mahal ka, sinuportahan ka tapos give and take kayo. Nagbibigayan, walang inggitan, walang kumpetisyon.”
Nais din daw panatilihin nina Coco at Julia ang pagiging pribado ng kanilang relasyon para iwas intriga at kontrobersya.
“Tahimik, tahimik ang buhay, walang intriga. Sabi ko nga, the more na tahimik ka, the more na ito ka lang, private ka lang, mas nakakaiwas ka sa ikasisira ng buhay mo or ikasisira ng relasyon,” chika pa ng aktor at direktor.
Matatandaang noong 2023 at ibinandera nina Coco at Julia sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon makalipas ang mahigit isang dekada nang “pagtatago” sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.