Alden napilitan lang mag-artista nang biglang mamatay ang nanay | Bandera

Alden napilitan lang mag-artista nang biglang mamatay ang nanay

Julie Bonifacio - August 14, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

TANGGAP ng nag-iisang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na malaking tulong sa bagong comedy-variety show niya sa GMA na Sunday Pinasaya ang gwapong aktor na si Alden Richards.

Hot na hot si Alden ngayon dahil sa loveteam nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa tunay na buhay.
“Oo, sobra. Malaking tulong siya sa show. Shining moment ni Alden ngayon. Sinasabi ko nga sa kanya kapag nasa gilid kami, ‘Baby Boy, nakakatuwa ‘yung nangyari sa career mo kasi ‘di ba sinabi ko sa ‘yo sisikat ka dahil napakabait mong bata,” lahad ni Ai Ai.

Sa mga hindi raw nakakaalam, bago namatay ang ina ni Alden, gustong-gusto nito na mag-artista ang kanyang anak.

“So, noong araw sabi niya, tinanong ko siya, ‘Paano ka ba naging artista?’ Sabi niya, ‘Dati pinag-aartista ako ng mommy ko.’ Ayaw ni Alden. Pero nu’ng na-tegibels ‘yung madir, parang eto ‘yung ginawa niyang dedication para sa nanay niya. Kaya ‘yung batang ‘yan walang reklamo, napakasipag na bata,” papuri ng komedyana kay Alden.

Kamakailan ay pumirma ng kontrata si Alden sa APT Entertainment for four movies. Banggit namin kay Ai Ai, malamang isa sa apat na movies na ‘yan ay ipasok si Alden at ang screen partner niya na si Yaya Dub, baka nga sa Metro Manila Film Festival movie pa nila ni Vic Sotto.

“Seeecreet,” may kahulugang ngiti sa amin ni Ai Ai. Naku, knowing Ai Ai kapag ganyan ang sagot niyan, may halong katotohanan na, e, “Wait lang kayo,” biro pa niya.

Basta gugulatin na lang daw tayo ni Ai Ai tungkol sa pag-join ng AlDub sa movie nila ni Vic.
If ever mangyari ‘yan, tiyak na mahigpit ang labanan for number one spot sa takilya ang movie nina Ai Ai-Vic at ‘yung pelikula naman nina Vice Ganda-Coco Martin sa December filmfest.

“E, sabi ko nga, nag-thank you ako sa Lord sa lahat ng blessings na binibigay niya sa akin simula nang lumipat ako sa GMA. Tuluy-tuloy, swak. Hindi pinipilit, natural flow ng ano, may intervention ni Lord,” sabi pa ni Ai Ai.

Umani ng mataas na rating ang initial telecast ng Sunday PinaSaya. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ai Ai nu’ng i-text namin siya paglabas ng rating ng show last Monday.

Sa Mega Manila ratings ng AGB Nielsen ay nakapagtala ito ng 22.7% kumpara sa katapat nilang programa sa ABS-CBN, ang ASAP 20, na nakakuha ng 11.5%. At sa national ratings naman ng Kantar Media/TNS ay hindi nalalayo ang 16.1% ng Sunday PinaSaya sa 17.1% na nakuha ng ASAP 20.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“God is good all the time. Masaya kaming lahat at sana magpatuloy pa ang pagpapasaya namin sa buong bansa,” text message sa amin ni Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending