True ba, James ibinenta ng P15-M ang dating property nila ni Kris?
TOTOO nga kayang ipinagbili na ni James Yap ang lupang nakuha niya bilang parte sa ari-ariang pinaghatian nila ng dating asawang si Kris Aquino noong nakaraang buwan lang?
Ang nabanggit na lupa ay matatagpuan sa Timberland Heights, San Mateo, Rizal na diumano’y naibenta sa halagang P15 million.
Kung hindi kami nagkakamali ay naikuwento pa ito ni Kris sa amin, na bumili nga raw sila ni James noong sila pa ng malaking lote sa Timberland Heights na patatayuan nila ng bahay at tataniman sana ng iba’t ibang klase ng gulay sa paligid.
Ayon pa sa TV host-actress, dito raw titira ang TV host-actress kapag nag-retiro na siya dahil nga tahimik ang kapaligiran, masarap ang simoy ng hangin at overlooking sa buong Metro Manila.
Kaso nauwi mga sa hiwalayan ang relasyon nila ni James at nang maghati-hati nga sila ng conjugal properties ay napunta sa basketball player ang nasabing lote, na okay na rin daw dahil inisip ng mama ni Bimby na anak naman nila ang makikinabang sa nasabing ari-arian ni James.
Kuwento ng ahenteng nakakuwentuhan namin, “Nabenta na ni James ‘yung lupa, last month lang, mga P14 or P15 million yata. Nabili lang nila ‘yun ng P9 million.”
Ayon pa sa aming source, lagi raw may kasamang babae si James kapag pumupunta sa office ng real estate company at sa mismong site rin, “Laging may kasamang girl si James everytime na pupuntahan niya ‘yung lupa.”
Tinanong namin kung si Michela Cazzola ang laging kasama ng basketbolista, “Hindi alam ng mga nakakita, hindi sila pamilyar du’n sa babae.”
Inisip namin na nasa faultline kasi ang Rizal kaya siguro ibinenta na ni James ang lote para mapakinabangan ang pera kesa mapunta lang ito sa wala kapag nangyari na ang inaasahang malakas na lindol sa Manila at mga kalapit nitong probinsiya.
Bukas naman ang pahinang ito para sa paliwanag ni James, kung totoo nga ang nasabing balita o baka naman may usapan na sila ni Kris tungkol sa pagbebenta ng nasabing property. Hintayin na lang natin ang gagawing paglilinaw ng sikat na cager.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.