Robin walang paki sa pera, mas mahalaga pa rin si Mariel | Bandera

Robin walang paki sa pera, mas mahalaga pa rin si Mariel

Cristy Fermin - August 13, 2015 - 02:00 AM

marial rodriguez

Maselan ang kalagayan ngayon ni Mariel Rodriguez, triplets ang kanyang dinadala, kaya nagdesisyon si Robin Padilla na pansamantalang ipagpaliban ang kanyang mga trabaho para mabantayan nang husto ang kanyang misis.

Maganda ang hakbang na ginawa ni Robin dahil wala nga namang makapagbibigay nang matinding malasakit at pagmamahal kay Mariel sa ganitong sitwasyon kundi siya.

Hindi simple ang magdalantao, lalo na kung triplets pa, kaya kahit kailangan niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya ay mas binigyan ng pagpapahalaga ng action star ang kundisyon ngayon ng kanyang misis.

Hindi na matutuloy ang pelikulang pagtatambalan sana nila ng Japanese porno star na si Maria Ozawa, ilalahok sana nila ang pelikula sa darating na MMFF, pero sumabay sa plano ang pagdadalantao ni Mariel.

‘Yun ang ibinibigay na dahilan ng kampo ng action star kung bakit kinailangang unahin niya ang interes ng kanyang mag-iina kesa sa pelikula nila ni Maria Ozawa.

Naiintindihan ng marami ang desisyon ni Robin, maraming naiinggit kay Mariel, dahil isang respon- sableng asawa at ama ang natagpuan nito.

Marami pa nga namang pagkakataong naghihintay para kay Robin Padilla bilang aktor, pero ang pagdadalantao ni Mariel ay paminsan-minsan lang mangyayari, kaya ‘yun na muna ang bibigyan niya ng prayoridad ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending