Mga mambabatas niyaya sa marijuana bill
Umaasa ang isang solon na magiging bukas ang kanyang mga kapwa mambabatas sa panukala na gawing legal ang medical marijuana.
Ngayong araw ay muling magsasagawa ng pagdinig ang House committee on health para sa Compassionate Use of Medical Cannabis (House bill 4477) na akda ni Isabela Rep. Rodito Albano.
Ayon kay Albano malaki ang maitutulong ng medical marijuana upang maibsan ang paghihirap ng mga pasyente.
“I urge those opposing my bill to please read word for word, sentence by sentence, paragraph by paragraph the entire content of House Bill 4477 which provides that the use of medical marijuana has to comply with strict regulatory requirements under the Department of Health,” ani Albano.
May 69 kongresista na nagpatala bilang co-author ng panukala na isinumite noong Mayo 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.