Si ate di boto kay BF | Bandera

Si ate di boto kay BF

Pher Mendoza - August 07, 2015 - 03:00 AM

Hi, Manang!

Ako po pala si Jessel Joy, taga-Brgy. Pugaan, Iligan City. Ako po ay 17 years old.

May BF po ako, Manang. Two years na po ang aming relasyon pero ang problema po ay hindi po siya tanggap ng ate ko.

Ano po ang dapat kong gawin? Please give me your advice, manang.

Salamat po.

Jessel Joy

Hi Jessel Joy ng Iligan! Gusto ko sanang malaman kung bakit hindi tanggap ng ate mo ang iyong BF?
Ano kaya ang hesitations niya? Maybe pakinggan mo ito and then evaluate kung may point o tama ba ang sinasabi ni ate.

Maybe hindi naman niya kilala talaga ang BF mo at may mga preconceived judgments lang siya sa iyong nobyo, but respect what she has to say.

Ang sa akin, opinyon niya iyon but also listen to it objectively.

Mahal ka ng ate mo kaya I’m sure she’s looking after your best interest. On your BF’s side naman, kung mahal ka niya, gumawa rin sana siya ng paraan para mapanatag ang loob ng ate mo at makuha nito ang tiwala at boto ni ate mo. There is no harm in trying.
Payo ng tropa:

Magandang araw sa iyo Joy.

Sa edad mong iyan, hindi ka dapat nagpopokus masyado sa pakikipagrelasyon. Ang ganyang edad, dapat ay sa pag-aaral muna nakatuon. Dapat ang konsentrasyon mo ay kung paano ka makakapagtapos ng iyong pag-aaral at paano magkakaroon ng magandang kinabukasan.

Huwag munang maglandi. Hindi ko naman sinasabi na mali ang pakikipagrelasyon. Nasa tamang panahon ang lahat ng bagay, at ang pakikipagrelasyon sa edad mong iyan ay hindi pa tama.

Hindi na ako magsasalita tungkol sa di pagtanggap ng iyong ate sa iyong boyfried. Ang sa akin lang, kesehodang tanggap niya o hindi niya tanggap ang BF mo, ang mahalaga ay alam mo dapat ang prayoridad mo.

Ate Sheila, Bulacan

Hello Jessel,

Masuwerte ka at may ate kang maalagain at mapagmahal sa iyo.

Hindi naman masama ang minsan paghihigpit ng mga nakakatanda sa nakababatang nilang kapatid, lalo na at ang bata-bata mo pa.

Kausapin mo rin ang ate mo kung ano ‘yung mga bagay at ugali na ayaw niya sa BF mo.

Mas maganda rin na yayain mo minsan ang iyong BF para makapag-bonding kayong tatlo, at makilala nang lubusan ng ate mo ang ugali niya.

Malay mo, mas OK sa ate mo ang ganoong sitwasyon. Mag-isip ka rin ng magandang pagkakabalahan or pagbutihin mo pa lalo ang pag-aaral mo at pag-aaral ng BF mo. Bata ka pa, neng, mas marami pang dapat pagtuunan ng pansin.

Oki!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending