Albie Casino inaming may sakit: Kaya minsan natataranta ako!
MAY ADHD (attention deficit hyperactivity disorder) ang nagbabalik-Kapamilyang si Albie Casino.
Ito ang inamin ng aktor sa entertainment media nang tanungin kung anu-ano ang mga pagbabagong naganap sa buhay niya simula nang mawala siya sa ABS-CBN apat na taon na ang nakararaan.
“Yung buong pagkatao ko, bago na. I mean, it’s been a long time since people have really seen me. I’m more equipped to handle everything that comes, like intrigues.
I’m just a more mature person now,” pahayag ni Albie nang makorner ng ilang entertainment reporters after ng presscon ng Dreamscape Entertainment TV para sa bagong serye ng ABS-CBN na On The Wings Of Love na pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre.
Ayon sa binata, ito ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang makitungo noon sa media, “I don’t like being put on the spot. That’s why I don’t like press conferences and stuff. It’s very hard for me.
I have hard time answering. I have ADHD also, so natataranta talaga ako.” Inamin din ni Albie na talagang nai-stress siya dahil sa mga kanegahang balita tungkol sa kanya, lalo na nu’ng pumutok ang pagbubuntis ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann – siya ang itinurong ama ng baby ng Kapamilya actress.
“Alam ko ang perception sa akin ng ibang tao ay hindi ganoon kaganda. Pero now I’m older, I understand na there’s nothing I can do that will change people’s perception of me until they actually meet me. So why stress about it?
“Mas lalo lang akong mai-stress, mas lalo lang akong may napag-iisipan. Ang dami ko na ngang iniisip palagi dahil sa ADHD, so sinabi ko let’s just stop trying to please everyone and just be a good person na lang,” esplika pa ng aktor.
Dugtong pa nito, “Eventually I’m sure that now I’m visible again makikita ng people na I’m not really a bad guy.” Sa isang panayam naman ng ABS-CBN, sinabi ni Albie na gusto na niyang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Andi, kasabay ito ng chika na may naglabas na diumano ng DNA test result na nagsasabing hindi raw siya ang tunay na ama ng anak ni Andi.
“Now I can close that book on my life. It’s over. Time to move on. To be honest, I don’t like to talk about it but I’m not scared to talk about it or anything. I just rather not because it’s in the past.
It’s just bad memories, it’s a bad experience, I don’t really want to think about it anymore, so yun,” aniya pa. “Unless it’s my own first-hand knowledge, ayaw ko siyang pag-usapan at wala namang nagsabi sa akin na nangyari ‘yon.
Like no one is contacting me, telling me all of this. I learned all of this from you guys. I don’t want to make assumptions based on things that are said,” chika pa ni Albie.
Sa ngayon, excited na ang binata sa bagong proyekto niya sa pagbabalik niya sa ABS-CBN, ito nga ang seryeng On The Wings of Love kung saan siya ang magsisilbing third party sa JaDine loveteam na magsisimula na sa Aug. 10 after Pangako Sa ‘Yo.
Ito ang papalit sa Bridges Of Love. Huling napanood si Albie sa seryeng Mara Clara kasama sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.
“I’m not really nervous, I’m just really excited for it to show. ‘Yung reception naman ng fans, wala akong hawak doon if they don’t like it.
But I’m sure naman it’s a very nice story, madaming mahuhusay na artista. I’m sure maganda ang pagtanggap,” pahayag pa ng binata.
Makakasama rin sa On The Wings Of Love sina Joel Torre, Nanette Inventor, Bianca Manalo, Nico Antonio, Jason Francisco, Nhizky Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia at Cherry Pie Picache.
May special role naman sa serye sina Katya Santos at Isay Alvarez, sa direksiyon nina Antoinette Jadaone at Jojo Saguin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.