Enchong sa dyowang foreigner: Mahilig ako sa babaeng mapisngi! | Bandera

Enchong sa dyowang foreigner: Mahilig ako sa babaeng mapisngi!

Reggee Bonoan |August 01,2015
facebook
share this

Enchong sa dyowang foreigner: Mahilig ako sa babaeng mapisngi!

Reggee Bonoan - August 01, 2015 - 02:00 AM

enchong dee

Hindi naitago ni Enchong Dee na sobra niyang nami-miss ang girlfriend niyang si Samantha Lewis kaya’t naikuwento niya sa PBB housemate na si Kenzo Gutierrez kung paano sila nagkakilala.

Pero unang nagtanong si Enchong kung ano ang real score nina Kenzo at Kamille. “Alam ko namang hindi puwede, sila (boyfriend ni Kamille) pa rin.

Atsaka compared to before kami ni Kamille, ngayon sobrang ibang-iba na kami. Tapos nakatulong pa ‘yung phone call. Naalala niya ulit kung gaano niya kamahal si Justin,” sagot ni Kenzo.

Naging malapit kasi sa isa’t isa sina Kenzo at Kamille sa loob ng Bahay ni Kuya at alam nilang napapanood sila ng boyfriend at tatay ng anak ni Kamille kaya siguro alanganin din naman ang una sa sitwasyon nila.

Nabanggit din ni Kenzo na hindi pa siya nakaka-move on sa ex-girlfriend niya na sinabi naman ng aktor na baka magkabalikan sila paglabas nila ng PBB house.

At tungkol naman kay Samantha ay ikinuwento ng aktor kung paano sila nagkakilala ng dalaga.
“May fashion show, nakita ko siya sabi okay ito ah. Mahilig kasi ako sa ganu’n, ‘yung mapisngi.

Nakita ko siya malapitan tapos iyun na. Nagpakilala ako na hindi ko usually ginagawa. “Tapos makikita mo naman sa mata, sa reaksyon nila kung hindi ka nila gusto kaya sabi ko, ay kaya, aprub, eh.

Tapos magse-17 months na kami,” kuwento ng binata. Tinanong ni Kenzo kung masaya naman si Enchong kay Sam, “Oo kasi it’s rare that you meet someone who understands what you do.”

Samantala, 24/7 talagang napapanood si Enchong dahil bukod sa PBB 737 ay napapanood din siya sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito kasama si Richard Yap.

Sa lahat ng mga nag-aabang kung ano na ang mangyayari sa kuwento ng My Kung Fu Chinito: Mabubunyag na kung sino ang taong nasa likod ng mga krimen sa kanilang lugar at unti-unting magbabago ang takbo ng buhay nina Chairman Tan (Richard) at Diego (Enchong) sa paglabas ng katotohanan tungkol sa nakaraan at tunay na pagkatao ng bagong Kung Fu Chinito.

Ano nga ba ang nangyari sa nakaraan ni Diego na nag-uugnay sa kanila ni Chairman Tan? Paano nito mababago ang kanilang misyon bilang tagapagligtas ng kanilang bayan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa dalawang Kung Fu Chinito ay kasama rin dito sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia at Clarence Delgado mula sa direksyon ni Erick Salud.

Ito’y sa ilalim pa rin ng Dreamscape Entertainment at napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending