Willie minamalas; naapektuhan ng mga isyu tungkol sa pagsusugal
DON’T get me wrong here ha, baka isipin ng readers natin ay isang malaking kaplastikan kapag sinabi kong nanghihinayang ako sa mabilis na pagkatsugi ng show ni Willie Revillame sa GMA 7.
Kasi nga, he wanted to have this show pero iyon na nga, it didn’t really work. I am not saying that his time is truly gone but as we see it, mukhang medyo mailap na ang kapalaran kay Willie lately.
Lalo na sa larangan ng pagiging TV host. Willie and I had gone a long way – hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na merong naganap sa amin a few years ago.
Something that people say na merong kinalaman sa kaniyang pag-alis noon sa ABS-CBN. Pero noon pa iyon, sa paglipas ng panahon nagkasalubong muli ang landas namin and we are alright.
Bati na kami. Hindi man kami madalas magkasalubong pero everytime na nagkikita kami by chance ay nagkukuwentuhan kami nang bahagya.
Nu’ng una ay meron akong ilang factor pero eventually, we talk comfortably. The last time na nagkita kami ni Willie was during the Stevie Wonder concert sa Solaire Hotel a few months back.
Doon niya sinabi sa akin that his GMA 7 stint was to start and I wished him luck. Nagbiruan pa nga kami na baka puwede akong dumalaw sa show niya.
Siyempre siya na rin ang nagsabing tiyak na hindi naman ako papayagan ng Dos na mag-guest sa show niya. Yung ganoong biruan. Of course naman, hindi ko naman gagawin iyon bilang respeto na rin sa network na nagpapala sa akin, di ba? Ganoon ka-comfortable na kung mag-usap kami ni Willie Boy.
Kaya itong sinasabi kong nanghihinayang ako’t hindi man lang nagtagal ang kaniyang palabas ay galing sa puso ko. Sayang kasi napakalaki ng ginagastos niya every week just to put up a show – para hindi siya tuluyang mawala sa sirkulasyon.
Alam niyo iyon, amor propio ng isang tao iyon, eh. Aminin man niya’t hindi, pang-boost ng ego niya iyon. To prove to the world that he’s still there – na hindi totoong naubos na ang yaman niya as what his detractors would say.
Marami kasing nakabalot na issues kay Willie recently lalo na sa isyu ng pagsusugal at kung gaano na kalaking halaga diumano ang nalamon sa kaniya ng casino.
These stories have circulated almost every now and then but Willie admits just half-truths kaya para patunayan that he’s still on top of the game, heto siya’t nag-produce ng sariling show.
Paid his own airtime and did it all. Kaya lang, hindi nga lang naging maalwan ang kapalaran sa kaniyang show lately kaya it had to end.
Maybe some other time, Willie Boy. Or baka sa ibang aspeto ka naman puwedeng mag-excel. Why not try other endeavors? Just a suggestion dear.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.