Nanlalamig na si love | Bandera

Nanlalamig na si love

Pher Mendoza |July 29,2015
facebook
share this

Nanlalamig na si love

Pher Mendoza - July 29, 2015 - 03:00 AM

Hi Manang!
I’m Bernadeth from Sta. Cruz, Laguna. I’m 22 and married na. Since high schol ay kami na ng asawa ko.

Magkasama kami sa isang paupahan noong college kaya sa isang linggo ay hanggang limang beses kaming mag-sex. After college ay nagpakasal kami. Ngayon ay lagi siyang busy sa pagtatrabaho at wala na siyang time na lambingin ako. Hindi ko alam kung bakit nagbago siya.
…8734

Hello Bernadeth ng Laguna! Salamat sa iyong pag-share ng kwento mo.

Maaaring nagbago nga siya dahil talagang pagod or stressed lang sa trabaho. Maybe ‘yung work niya ay talagang nakakapagod at nakakaapekto ito emotionally and physically sa kanya.

Instead of taking it against him na hindi ka na niya nilalambing, why don’t you offer to massage him or lambingin mo rin s’ya? Or best, why don”t you ask him how he’s been? Kamustahin mo kung ano ang nangyayari sa kanya sa trabaho and let him share this with you.

Ang pakikipag-usap ay mainam na paraan para ma-relax siya. Suportahan mo ang iyong asawa dahil I’m sure gusto naman niyang ma-appreciate mo ang ginagawa n’ya sa trabaho at ang effort niyang ito ay para din naman sa inyo.

Make your relationship interesting. Ikaw ba may trabaho din? Why don’t you share with him what you do sa work? Maybe it will take his mind off things at mas makakabuti kung may pagkwentuhan kayo.

Sharing is intimate and sexy.

Being sexy starts with a sexy mind—a sexy mind is free from stress and inhibitions. Good luck Bernadeth! Balitaan mo kami…
Payo ng tropa

Hello Bernadeth,

Ang tagal na n’yong makarelasyon, ngayon ka pa nagdradrama at kasal na kayo niyan ha. Pakurot nga. Hehehe.

Oo nga bilang babae nasanay kasi tayong na nilalambing at gusto natin na sa atin lang ang atensiyon ng dyowa o asawa, walang masama dun.

Pero isipin mo at unawain na hindi sa lahat ng oras ay paglalambing at sex lang ang makakapagpasaya sa ating sarili.

Unawain mo si mister at intindihin. Masyado lang siguro siyang busy sa trabaho kaya hindi ka niya nalalambing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Instead na galit o pagtatampo ang isalubong mo sa kanya, sa iyo na mismo magsimula ang paglalambing— ipagluto mo ng masarap na pagkain kaya— malay mo, matuwa at biglang agad-agad yayain ka na. Alam mo na ang kasunod, kuha mo, neng?
Ate Jenny
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending