Toni Fowler, Vince Flores nagkaayos na

Toni Fowler, Vince Flores nagkaayos na

Therese Arceo |May 08,2024
facebook
share this

Toni Fowler, Vince Flores nagkaayos na

Therese Arceo - May 08, 2024 - 05:14 PM

Toni Fowler, Vince Flores nagkaayos na

MULING nagkaayos ang social media couple na sina Toni Fowler at Vince Flores matapos ang chikang tila nag-break na ang dalawa.

Sa latest Instagram post ng vlogger ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Toni na magkayakap habang nakahiga sa kama.

“THIS IS [NOT] FOR CONTENT,” panimula ni Tito Vince.

Pag-amin niya, nagkaroon raw talaga sila ng matinding away ni Toni.

“Yesterday, nagkaroon kami ng matinding away at tampuhan first time sa relasyon namin na malayo sa isa’t isa ng matagal na oras,” lahad ni Tito Vince.

Baka Bet Mo: Toni Fowler, Vince Flores hiwalay na nga ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pero kahit na ganoon ay hindi niya hahayaan na maghiwalay sila ng kanyang girlfriend.

“[D]ahil sa pag bubuntis ni Jowa sobrang nadala siya ng emosyon kaya nakapag post siya ng kung ano ano,” sey pa ni Tito Vince.

Sa kabila raw ng kanilang tampuhan ay pinili pa rin daw ni Toni na patawarin siya.

“[N]gayon ay magkasama at okay na kami. Sa mga family and friends namin na tumatawag at lahat ng nag alala, don’t worry ayos na po ang lahat. I love you so much Mameh mahal na mahal kita 😍 @tonifowlerpo,” mensahe ni Tito Vince.

Dagdag pa nito, “Hanggang Dulo.”

Matatandaang nitong Martes, May 7, umugong ang mga balita na tila hiwalay na sina Vince at Toni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-cryptic post kasi si Toni kung saan sinabi niya na magbabalik single mom na siya at kung kinaya niya noon sy paniguradong kaya niya ngayon.

Marami namang nagsabi na marahil ang kanyang paiba-ibang mood ay may kinalaman sa kanyang pagbubuntis.

Matatandaang noong March lang nang ibahagi ni Toni na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Tito Vince.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending