Toni Fowler may pasaring kay Papi Galang: Panindigan mo yan

Toni Fowler may pasaring kay Papi Galang: Panindigan mo yan

Therese Arceo |February 08,2024
facebook
share this

Toni Fowler may pasaring kay Papi Galang: Panindigan mo yan

Therese Arceo - February 08, 2024 - 10:35 PM

Toni Fowler may pasaring kay Papi Galang: Panindigan mo yan

 

TULUYAN na ngang nagkaroon ng lamat ang dating matibay na pagkakaibigan ng social media personalities na sina Toni Fowler at Papi Galang.

Sa latest episode ng kanilang reality show na uploaded sa YouTube channel ng “Batang Quiapo” star, makikitang nagkainitan ang dalawang partido.

Habang nag-e-empake kasi si Papi ay pumasok sa kwarto si Toni upang paalalahanan ito na huwag masyadong magbuhat ng mabibigat dahil buntis ito.

Ngunit tila hindi nagustuhan ni Papi ang ginawa ng kaibigan at sinabihan ito na huwag nang mangialam sa kanyang buhat.

Baka Bet Mo: Toni Fowler kinampihan ni Pura Luka: Ano’ng depinisyon n’yo ng moralidad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mag-utos kayo ng ibang tao. Kanina ka pa kumikilos… Huwag kang masyadong magbuhat,” saad ni Toni.

Pero tila walang naririnig si Papi at patuloy pa rin ang pagbubuhat ng mga gamit.

Hanggang sa bigla na lang itong sumabog kay Toni.

“Bakit ka ba kasi nangingialam? Lahat na lang pinapakialaman mo. Kaya nga ako naglilipat na e. Ayoko nang mangialam kayo sa akin. Pwede ba?” galit na sabi ni Papi.

Giit ni Toni, kakapasok pa lang niya sa kwarto at kaya siya pumasok dahil naririnig niya ang pagbubuhat ni Papi.

Inilabas na rin ni Papi ang saloobin niya na lagi na lang siyang pinakikialaman sa mga desisyon niya pati sa kanyang mga anak na ikinakapagod na niya.

Sinabi naman ng ate ni Toni na walang utang na loob si Papi at bastos ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit mas uminit ang kanilang diskusyon hanggang sa lahat na sa bahay nila ay nagsisigawan.

Matapos ang kanilang sagupaan ay tuluyan nang umalis si Papi sa poder ni Toni at lumipat sa kanilang bagong bahay.

Pero mukhang patuloy pa rin ang parinigan ng mga ito at umabot na nga sa palitan ng mga status sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending