Ang paglalasing ni Chiz Escudero | Bandera

Ang paglalasing ni Chiz Escudero

Ramon Tulfo - July 23, 2015 - 03:00 AM

KAPAG naging presidente natin si Sen. Grace Poe, siguradong ang kanyang magiging No. 1 adviser ay si Sen. Chiz Escudero.

Baka nga maging vice president pa si Chiz.

Wala namang problema kung si Escudero ang magiging adviser ni President Poe dahil si Chiz ay masyadong matalino.

Kaya lang Chiz is transformed into a completely different person when he’s drunk.

Walang control sa alak si Chiz.

Ang mga nakakikilala kay Chiz ang magsasabi sa inyo na hindi siya kagalang-galang kapag siya’y nalalasing.

Hindi raw niya alam ang kanyang pinagsasabi kapag siya’y nasa impluwensiya ng alak.

At hindi lang daw paminsan-minsan kung malasing si Chiz, palagian na raw ang kanyang pagiging lasing.

Ang No. 1 na kritiko ni Chiz ay sina Boy at Baby Ongpauco na mga magulang ng artistang si Heart Evangelista, maybahay ng magiting na senador.

Diring-diri sila kay Chiz dahil sa kanyang diumano’y kawalan ng modo kapag siya’y lasing.

Ang dahilan ng pagtutol nina Mr. and Mrs. Ongpauco kay Chiz ay ang kanyang kawalan ng galang sa kanila sanhi ng kalasingan.

Baka kailangan na ni Chiz na pumasok sa rehab o lumahok sa Alcoholics Anonymous.

Si Chiz ay mabait, lubhang matalino at magaling magsalita ng English at Filipino.

Siya’y isang abogado at graduate ng University of the Philippines.

Sayang naman siya kapag nagpatuloy ang kanyang kalasingan.

Dear readers, hindi ako nagmamagaling at nagmamalinis.

Ako’y may problema rin sa alak noon.

Pero noong ako’y lasenggo, hindi naman kasi ako senador o humahawak ng mataas na posisyon gaya ni Chiz.

At ang aking pagiging lasenggo ay hindi nakaapekto sa aking pagiging journalist dahil naglalasing lang ako pagkatapos ng trabaho.

Nagpapasalamat ako sa Maykapal na naalis na ang aking drinking problem.

Oo nga’t umiinom pa rin ako ngayon, pero alalay na lang at iniiwasan kong malasing.

Kapag naaalala ko ang pinaggagawa ko kapag ako’y nalalasing noong bata pa ako, nahihiya ako sa aking sarili.

No excuses, no rationalization.

Pero noong naging newspaper columnist at komentarista sa radyo (at maging sa TV), I realized that I should change.
Napag-isip-isipan ko na dapat na akong tumino dahil mawawalan ako ng kredibilidad bilang columnist at commentator.

Ganyan sana ang gawin ni Chiz.

Choir member minolestiya ng pari—headline sa Bandera.

Naalala ko tuloy ang joke tungkol sa pari.

Mangungumpisal ang sakristan na si Pedro kay Father.

Bago pa man makapagsalita si Pedro, sinabi agad ni Father, “Pedro, sino ang nagnanakaw ng limos sa simbahan?”
Pedro: Hindi ko po kayo marinig, Father.
Father: Pedro, inuulit ko, sino ang nagnanakaw ng mga limos?
Pedro: Hindi ko talaga kayo marinig, Father.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Father: Magpalit tayo ng puwesto, ako diyan sa kinalalagyan mo at dito ka sa loob ng confessional.
Nagpalit sila.
Pedro: Father, sino ang nagbuntis ng mga kantura?
Father: Totoo nga,
Pedro, hindi ko naririnig ang sinasabi mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending