Gimik nga lang ba o may bahid ng katotohanan?
For the nth time ay natsitsismis na namang hiwalay na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Nagkakalabuan na raw ang dalawa kaya naman nag-decide na silang maghiwalay.
Sabi sa mga report, hindi na raw nagkakasundo ang dalawang Kapuso stars, palagi na lang daw silang nag-aaway kahit sa maliliit na bagay lang.
Hindi na rin daw masaya si Dingdong sa itinatakbo ng kanilang relasyon at parang nagsawa na raw ito sa kanyang girlfriend.
Of course, puro tsismis lang ito at wala pang malinaw na mga dahilan kung bakit sila naghiwalay kung totoo ngang may hiwalayang naganap.
With this, people can only speculate.Baka may matinding pinag-awayan ang dalawa. Baka may selosang naganap.
Or may be they realized na they’re not compatible.
Which is which? Can Marian or Dingdong perhaps enlighten their fans about this rumor?
Kasi kung natatandaan n’yo pa ilang buwan na ang nakararaan nang matsismis din na nag-break na sila, but it turned out, false alarm pala.
It’s possible also na nag-ingay lang ang kampo nina Marian at Dingdong dahil wala na nga namang masyadong chika about them.
Tila napag-iwanan na sila ng Kapamilya artists na laging laman ng tabloids dahil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.