Sa 2016 na: Zsa Zsa pakakasalan ng mayamang dyowa sa Florence, Italy
NAG-PROPOSE na ang architect boyfriend ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na si Conrad Onglao. But unlike other showbiz proposals, walang naganap na public announcement and without an engagement ring.
Naganap ang proposal ni Conrad na very casual lang in one of their intimate moments. Ang sinagot na lang daw ni Zsa Zsa kay Congrad is. “Where is the ring?”
Sabay na ni-reveal nina Zsa Zsa at Conrad ang plano nilang pagpapakasal sa isang church sa Florence, Italy next year. Ang guy ang may gusto na sa Florence sila ikasal ni Zsa Zsa. Nagustuhan ni Conrad sa Florence ang lugar when his sister got married there.
Gustung-gusto naman ‘yun ni Zsa Zsa siyempre. Aarte pa ba siya na pakasal sa Florence?
Although, there was a time raw na sinara na niya ang kanyang isip sa posibilidad na makasal muli sa simbahan especially sa tagal nang paghihintay niya na ma-annul ang kanyang marriage sa former husband na si Dr. Modesto Tatlonghari.
Si Conrad naman ay divorced na sa kanyang equally-talented and famous in her field former wife at annulled na rin sa simbahan ang kanilang kasal.
After that, nakadalawang girlfriend pa si Condrad. Both are socialites, huh! And we heard, nautangan daw ni Conrad ang kanyang former girlfriends. True kaya ‘yan?
Well, Zsa Zsa is 51 and turning 60 naman si Condrad next month kapag ikinasal sila sa 2016. Tanggap naman ni Conrad na magiging senior citizen na siya.
Ang mga anak daw mismo ni Conrad ang nag-open sa kanya about getting married with Zsa Zsa. Nakikita raw nila sa mukha ng singer-actress na masaya ito sa piling ng bagong BF. Pero bago ang kasal, ipapasyal muna ni Conrad si Zsa Zsa sa Italy after ng ASAP show nila sa Europe.
One year nang magkarelasyon sina Zsa Za at Conrad. Pero bago raw pumayag si Zsa Zsa na tumira sa bonggacious house ni Conrad with handicapped-friendly elevator, ni-request ni Divine Diva na palitan ang kama sa bedroom na tutulugan nila. At ang kanilang higaan ay orthopedic mattress dahil sa scoliosis ni Zsa Zsa.
Iniwan na ng Divine Diva ang lovenest nila ni Comedy King Dolphy for more than two decades. Ang anak nilang si Zia Quizon kasama ang kanyang aso na si Coco na lang ang nakatira roon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.