Sigaw ng bashers: Karla plastik; Daniel, Kathryn mga boses palaka | Bandera

Sigaw ng bashers: Karla plastik; Daniel, Kathryn mga boses palaka

Alex Brosas - July 19, 2015 - 02:00 AM

karla  estrada

TILA pagtatanggol ang naging dating ng recent Instagram post ni Karla Estrada kung saan makikita siyang kumakanta with Sharon Cuneta.

Ang say kasi ni Karla sa kanyang caption ay lahat ay may karapatang kumanta. “Thanks God at binigyan niya tayo ng kakayahang kumanta at makapagpasaya ng iba.

Respect others prerogative. KAHAT TAYO AY MAY KARAPATAN KUMANTA…as in LAHAT.”
That was her caption sa kanyang photo.

Easily, one can see it as a defense move dahil parang isa sa natamaan sa “I hate artists who lip sync” aria ni Rhap Salazar si Daniel Padilla na anak ni Karla.

Ang basa ng marami, Karla is subtle in her defense on her son na although hindi naman talaga singer ay kanta nang kanta, concert nang concert at release nang release ng album.

In fairness to Daniel, lahat naman ng concerts niya, ng shows niya, ng album niya ay pawang mga hit at blockbusters kaya naman suwerte sa kanya ang producers niya.

Bakit ka nga naman magga-gamble sa isang singer na hindi naman bumebenta ang album at ang concert, right?
Ito naman ang ilan sa reactions ng mga tao sa aria ni Karla. “Lahat may karapatan kumanta. Pero kung magkaka-album yung aso namin, may bibili kaya? Paglipsync-in ko na lang.

Baka mag-platinum. #defensive!” “Tanggol din agad sa anak nya. Hahaha!” “Weh eh bakit nung 90s at artista ka pa, hindi ata kita nadinig kumanta? Nakasingit ka lang dahil kay Daniel hindi ka pa nga magkasya sa TV.

Plastik ka at makapal lang ang KathNiel at network para mag release ng album na parang kinanta ng mga palaka pagkatapos umulan.”

“Uyyy guilty si stage mother! Alam niyang trashy ang neseye ne eng lehet kahit pa nag platinum! Hahahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguradong magwawala na naman sa galit ang KathNiel fans, tiyak na ipagtatanggol na naman nila sina Daniel at Kathryn sa bashers.

At sure na sure kaming kukuyugin na naman nila ang mga nanlalait sa kanilang mga idolo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending