Vice kay Angeline: Kahit matindi na ang problema mo, wag kang magsu-suicide!
PINAYUHAN ni Vice Ganda ang kaibigang si Angeline Quinto na huwag na huwag magsu-suicide kahit na sandamakmak at napakabigat na ng kanyang mga problema.
Inamin ni Angeline sa presscon ng first major concert nila ng rumored boyfriend na si Erik Santos na gaganapin sa Araneta Coliseum, na sobrang affected siya sa pagpapakamatay ng anak nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia Louise. Hindi raw kasi niya ma-imagine na ang isang batang tulad ng dalaga ay makakaisip na mag-suicide.
Ito rin ang dahilan kung bakit suportado niya ang “no to suicide” campaign ni Vice na nagsabing kailangang seryosohin na ng bawat pamilyang Pinoy ang problema sa tumataas na bilang ng mga teenager na nagpapakamatay.
Nag-trending ang isang Instagram post ni Vice kasama si Angeline kung saan hinihikayat nga nilang maging aware ang mga Pinoy sa mga insidente ng suicide sa bansa at kung gaano kahalaga ang magkaroon ng isang tunay na kaibigan sa ating buhay.
Kuwento ni Angeline nang makachika ng mga reporter, “Kagabi (Monday, July 13) po kasi magkasama kami ni Ate Vice sa bahay niya. Napag-usapan nga po namin yung nagpakamatay na bata. Sabi ko, tinatanong ko siya, ‘Te, sobra akong naaawa sa family nung namatay.’ Tapos hindi pa rin po klaro, ‘di ba po, kung anong nangyari kung bakit siya nag-suicide?”
“Tapos sinasabihan niya ako na ‘wag ko raw po gagawin yun kahit na anong problema pa yung dumating sa akin. So, sabi ko, ‘Oo nga ‘Te, kaya lang minsan napanghihinaan ako ng loob, e, pero ‘di naman ako magpapakamatay.’ Tapos nag-picture kaming dalawa na masaya kami, ‘di ba?” sey pa ng singer-actress.
Hirit pa ni Angeline, sina Erik at Vice raw talaga ang masasabi niyang pinakinagkakatiwalaan niya sa kanyang mga kaibigan, “Medyo emotional kami kagabi. Sabi ko, ‘Te, walang ibang tao sa aking ganyan, ikaw lang at si Erik.’ Tapos yun, hanggang sa niyakap niya ako… saka siya nag-caption ng ganu’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.