Bagong pole vault jrs record naitala sa PH National Games | Bandera

Bagong pole vault jrs record naitala sa PH National Games

Mike Lee - July 07, 2015 - 12:00 PM

NAKAPAGTALA ng bagong juniors record sa girls pole vault si Emily Jean Obiena habang ang mga boxers mula Baguio ang siyang lumabas bilang pinakamahusay sa elite sa 2015 Philippine National Games (PNG) Luzon elimination.

Sa Philsports Oval sa Pasig City ginawa ang athletics at ang nakababatang kapatid ni national athlete at elite male record holder sa pole vault na si OJ Obiena, ay nakalagpas sa 3.30m bar.

Higit ang ginawa ni Obiena sa dati niyang national record na 3.20m na kanyang ginawa sa 2014 PNG.
Nagtangka pa si Obiena na itaas ang bagong record sa 3.35m pero hindi na niya ito kinaya.

Sa pagtatapos ng boxing kahapon sa Rizal Memorial Coliseum, sina Fernel Gaspi at Renner Metra ang kumubra ng dalawang ginto para sa Baguio City.

Ang 18-anyos na si Gaspi, na noong 2013 PNG ay kampeon sa 46-kilogram junior division, ay lumaban sa unang pagkakataon sa 46-49kg elite class at tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision si Lawrence Ordonio ng La Union.

Nakasama ng pamangkin ni national coach Pat Gaspi na nagwagi para sa City of Pines si Metra na hiniritan ng technical knockout sa second round si Jose Perez ng Tayabas.

Nailusot ni Metra ang kaliwa na tumama sa panga ni Perez upang itigil ang laban sa huling 1:38 ng round.

Minalas naman ang finalist sa elite 56-kilogram division na si Roland Plaza ng Mandaluyong City nang hindi nakalaban matapos mabagsakan ng sanga ng mangga sa ulo dulot ng malakas na hangin hatid ng bagyong Egay.

Nagpapahinga si Plaza sa labas ng Rizal Memorial Coliseum nang nabagsakan ng sanga para magkaroon ng cranial laceration na ang haba ay nasa tatlong sentimetro.

Kinailangang tahiin ito ni Dr. Felix Gaddi, isang orthopedic surgeon ng St. Luke’s at kasapi ng PCSM, para maisara ang malalim na sugat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending