Sana mauntog na sa katotohanan si Jiro! | Bandera

Sana mauntog na sa katotohanan si Jiro!

Cristy Fermin - July 03, 2015 - 03:00 AM

JIRO MANIO

JIRO MANIO

Mabuti naman at sinundo na ng kanyang kapatid si Jiro Manio sa Terminal 3 ng NAIA. Tatlong araw na nakita du’n ang magaling na batang aktor na palakad-lakad, walang direksiyong tinatahak, gusto raw niyang bumiyahe papunta sa isang malayong lugar kaya sa paliparan niya napiling magpaikut-ikot.

Gusto na rin daw magpunta sa Japan ni Jiro para makita ang kanyang ama, pero wala naman siyang visa at passport, kaya puwedeng sabihin na wala talaga siya sa tamang huwisyo nu’ng mga panahong ‘yun.

Iba-iba ang kanyang sagot sa mga tanong ng reporters na nagsadya sa kanya sa airport, mga sagot na tanging siya lang ang nakakaunawa, mga sagot na galing sa isang taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng bisyo.

Mabuti at habang maaga ay nasundo agad si Jiro, iba pa rin ‘yung may kasama siyang mga kamag-anak na makasusubaybay sa kanya, gusto siyang ipa-rehab uli ng kanyang mga nagmamalasakit na kapamilya pero pera ang kanilang problema.

Minsan pa ay sa mga ganitong senaryo lulutang ang kagandahan ng puso ng mga pesonalidad, isa si Ai Ai delas Alas sa mga unang nag-alok ng kanyang suporta sa naging anak nito sa kanyang pelikula, handang tulungan ng Comedy Concert Queen si Jiro Manio tungo sa kanyang pagbabagong-buhay.

Maraming salamat sa mabuting puso ni Ai Ai delas Alas. At sana nga ay mauntog na agad sa katotohanan si Jiro Manio na walang nagagawang positibo sa buhay ng tao ang droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending