Hindi pa rin nakakahanap ng boyfriend (2)
Sulat mula kay Monique ng Balangasan District, Pagadian City
1. Napasulat po ako sa inyo sa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, gayong matagal na po akong naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Gusto ko na pong magka-boyfriend ang kaso wala naman po lalaking dumarating.
2. Bakit kaya hindi ako ligawin at kung may manligaw man sa akin napapansin kong hindi sila seryoso. Magkaka-boyfriend din kaya sa taong ito, kung magkaka-boyfriend ako sino po siya at saan ko makikilala? July 7, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Monique ng Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing medyo mataba o may pagka-chubby na lalaki ang magiging first and last boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Capricorn.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangsawa bukod sa isinilang sa zodiac sign na Capricorn ay may birth date na 2, 11 o kaya’y 20.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo tsinita at hugis puso ay nagsasabing ang lalaking mapapangsawa mo ay medyo mataba na maitim, pala biro at masarap kasama.
Luscher Color Test:
Ang pagtatagpo ninyo ng lalaking magiging boyfriend mo at mapapangasawa ay nakatakda na, kung saan, sa araw na iyon nakasuot ka ng kulay na puti habang siya naman ay nakasuot ng
t-shirt or polo-shirt na kulay berde o may guhitang o disenyong kulay berde.
Huling payo at paalala:
Monique ayon sa iyong kapalaran hindi mo dapat kainipan ang pag-kakaroon ng nobyo, dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kusang darating iyan. Sa kaso mo, nakatakda kang magka-boyfriend sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Agosto upang minsan pa pagkatapos ng dalawang taong relasyon sa taong 2017, sa edad mong 29 pataas, isang masaya at maligayang pag-iisang dibdib naman ang nakatakdang magaganap na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.