Sey ng half-sister ni Maja: Wala kaming away, mabait siyang ate!
Nilinaw ng half-sister ni Maja Salvador na si Jessy Salvador ang balitang may matindi silang away ngayon dahil sa isyu ng kani-kanilang pamilya. May tsismis kasi na parang pinabayaan na raw ng Kapamilya actress ang mga kapatid niya sa ama.
Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight, sinabi ni Jessy na napakabait sa kanila ni Maja kaya walang dahilan para magkaisyu sa kanila, “Okey na okey kami ni ate.
Ngayon, hindi lang nagkikita kasi busy (siya) sa Bridges of Love. Minsan nagbi-visit kami sa set niya.” Magkapatid sina Maja at Jessy sa ama (late Ross Raval), at pareho silang pamangkin ni Phillip Salvador.
Nabuksan ang diumano’y issue sa pamilya nina Maja at Jessy nang mainterbyu ang huli sa isang press launch kung saan inilunsad ang dalaga bilang celebrity endorser.
Sey pa ni Jessy, buwan-buwan ding nagbibigay si Maja sa kanila ng mga regalo, as in talagang hindi raw ito nakakalimot sa kanila kaya nagtataka siya kung bakit may mga isyung lumalabas, “Puro damit, sapatos ang nireregalo niya. Nagbibigay siya monthly.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.