Annabelle inisnab ang birthday party ni Ruffa: Ayokong magpakaplastik!
Inisnab pala ni Annabelle Rama ang invitation sa birthday party ng kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.
“Tomorrow June 18, advance birthday dinner ng kaaway ko sa isang best restaurant and one of the best buffet sa resorts world.
“She invited me thru her friends, but sorry, I declined the invitation. Hindi ako plastic!!!”
‘Yan ang post ni Annabelle sa kanyang Twitter account na pinagpiyestahan din ng netizens.This means na hindi pa ready si Annabelle Rama na makipagbati kay Ruffa.
Talagang pinanindigan niya ang kanyang sinabi na hangga’t hindi niya feel na makipag-ayos sa kanyang daughter ay hindi niya ito papansinin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.