Hamon kay Kris: Huwag nang mangako kung hindi naman kayang panindigan! | Bandera

Hamon kay Kris: Huwag nang mangako kung hindi naman kayang panindigan!

Cristy Fermin - June 21, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

Para makaiwas sa masasakit na resbak ng ating mga kababayan si Kris Aquino ay isa lang naman ang dapat niyang gawin. Huwag na kasi siyang nagpapakawala ng mga litanyang hindi niya naman kasi kayang panindigan.

Siya rin naman kasi ang dapat sisihin kung kaliwa’t kanan man ang mga bira sa kanya sa social media, kadalasan ay siya ang nagbibigay ng dahilan, magbibitiw siya ng isang bagay na hindi niya naman natutupad.

Maraming beses na niyang sinasabi na gusto na lang niyang manirahan sa Amerika para matupad ang pinapangarap niyang pribadong buhay.

Ngayon naman ay sinasabi niya na gusto niyang matikman ni Bimby ang buhay na malayo sa mga mata ng tao at ang maranasan ng kanyang anak ang kaibahan ng buhay dito at sa Amerika.

Kapribaduhan pala ang kanyang hiling, pero bakit panay-panay kasi ang pagpo-post niya ng kung anu-anong detalye tungkol sa personal niyang buhay? Pati ang rutina ng kanyang mga anak ay ipinaaalam niya sa publiko.

Anong privacy ang maaasahan ng aktres-TV host sa nakasanayan na niyang gawin na kaunting kibot lang, magkasipon lang siya ay nakadeklara na agad sa samabayanang Pinoy, ganu’n ba ang mangangarap ng pribadong buhay?

Tantanan niya ang pagpo-post at pagbibitiw ng mga salitang hindi niya naman kayang tuparin para magkaroon ng katotohanan ang kanyang hinihinging pribadong buhay.

‘Yun lang ‘yun, wala nang iba, sa kanya lang manggagaling ang hudyat para mangyari ang buhay na inaasam niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending