Ika-7 diretsong panalo asam ng SMB | Bandera

Ika-7 diretsong panalo asam ng SMB

Barry Pascua - June 09, 2015 - 01:00 AM

san miguel

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Alaska Milk
7 p.m. Talk ‘N Text vs San Miguel Beer

Team Standings: Barako Bull (6-1); San Miguel Beer (6-2); Alaska (5-2); Meralco (4-3); Globalport (4-4); KIA
(3-3); Star (3-4); Rain or Shine (3-4); Talk ‘N Text (3-4); Ginebra (3-5); NLEX (2-5); Blackwater (1-6)

SISIKAPIN ng San Miguel Beer na ipagpatuloy ang pagsagitsit sa pagtudla ng ikapitong sunod na panalo kontra sumasadsad namang Talk ‘N Text sa 2015 PBA Governors’ Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon, magkikita ang Alaska Milk at Meralco na kapwa naghahangad na pagandahin ang tsansang makakuha ng twice-to-beat advantage sa katapusan ng elims.

Matapos matalo sa kanilang unang dalawang laro, ang Beermen ay bumangon at pinabagsak ang sumunod na anim nilang kalaban. Kung mananalo sila mamaya ay malamang na makakuha na sila ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals na nakataya sa top four teams sa katapusan ng elims.

Ang Talk ‘N Text ay nagtala ng 3-1 karta sa umpisa ng torneo subalit biglang nanamlay at nakalasap ng tatlong sunod na kabiguan buhat sa Globalport (123-120), Meralco (119-85) at Rain or Shine (88-73).

Dahil sa natambakan sila sa huling dalawang laro ay malamang na magsagawa ng mga pagbabago sa kanilang patterns si TNT coach Joseph Uichico.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending