Piolo, Juday payag magsama sa pelikula pero... | Bandera

Piolo, Juday payag magsama sa pelikula pero…

Julie Bonifacio - June 09, 2015 - 02:00 AM

piolo pascual

Sa panayam din namin kay Direk Olive Lamasan, ibinalita niyang nagsimula na ang movie project ng ni Gov. Vilma Santos at Angel Locsin sa Star Cinema directed by Joyce Bernal.

“Ako ang creative producer. Maganda ‘yung project, cute siya. Hindi siya heavy. It’s a family drama, nakakaiyak pero a lot of…light moments. Parang ‘In My Life’ ang atake niya,” ani Direk Olive.

Halos lahat kasi ay gustong ma-handle ni Direk Olive either sa pelikula or teleserye. Kaya maswerte sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “natikman” na makatrabaho si Direk Olive sa Pangako Sa ‘Yo kahit two weeks lang.

Malaking pressure naman kay Direk Olive na malaman na halos lahat ng artista ay gustong magpadirek sa kanya. Pangalawa, challenging kung maibibigay niya ‘yung ine-expect sa kanya noong artista.

At pangatlo, may frustration on her part kasi hindi naman daw niya magawa dahil may iba pa siyang trabaho sa ABS-CBN.
“But of course, ang pinaka-ano mo is that I feel so, hindi flattered, e. Parang, grateful ang feeling ko na they want that.

So, ibig sabihin, meron akong silbi. So, it’s a fulfillment as a director ‘di ba, na marinig mo ‘yan,” ngiti niya. Huwag mawalan ng pag-asa ang KathNiel fans na maidirek ullit sila ni Direk Olive ng mahaba-haba, “Oh, yeah, I would love to.

Ako I look forward to that na magkatrabaho kami kasi mahal na mahal ko ang mga batang ‘yun.” Sabi namin kay direk, gusto naming idirek din niya sa pelikula sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.

In fairness, gustung-gusto raw niyang idirek ang dalawa. Pero hindi niya alam kung kailan. Panahon na lang daw siguro ang makakapagsabi.

“Ang daming konsepto na pwedeng gawin sa kanila. Blockbuster tiyak ‘yan. Kaya lang, papayag ba sila. ‘Yun lang naman ang problema,” sambit niya.

Sinubukan na raw nilang kausapin sina Juday at Piolo regarding that and they’re open naman daw. Kaya lang hindi natutuloy ang muli nilang pagsasama sa isang project dahil sa ilang personal na dahilan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending