Chubby, kailan magkaka-boyfriend? (2) | Bandera

Chubby, kailan magkaka-boyfriend? (2)

Joseph Greenfield - June 09, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Florabelle ng Sihayon, Tagoloan, Misamis Oriental

Problema:

1. Since elementary pa lang ay may pagka-chubby na ako hanggang mag-high school at mag-college ako ay lalo pa akong tumaba. Ito marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Nagawa ko na lahat ang paraan ng pagpapayat pero bigo pa rin ako, masarap kasing kumain at matulog.

2. Sa ngayon at ease at kampante na ako sa aking figure kahit sabihin pang mataba ako, masaya na sana ako sa kalagayan kong kita dahil tanggap ko na ang aking sarili. Kaya lang wala akong boyfriend at ito ang nais kong isangguni sa inyo Sir Greenfield, kung kahit kaya may pagka-chubby ako magkaka-boyfriend pa rin kaya ako at kung may darating na lalaki na laan para sa akin na makakasama ko habang buhay, kailan kaya siya darating at saan ko kaya siya makikilala? May 8, 1989 ang birthday ko.

Umaasa,
Florabelle Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ay nagsasabing kahit na hindi ka magpapayat, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang iyong magiging kaibigan, magiging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.

Numerology:

Ang birth date mong 8 ay nagsasabing isang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyan na ding mapapangasawa ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25.

Luscher Color Test:

Upang mas madaling makahanap ng boyfriend kahit na medyo mataba ka, ugaliiang magsuot ng kulay na pula at lilah. Sa nasabing kulay kusa ng gaganda at susuwertehin ang iyong kapalaran sa aspetong ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Florablle, sa totoo lang wala namang kaugnayan ang pisikal na anyo ng pangangatawan sa takdang kapalaran ng isang tao. Kagaya ng iyong tadhana, na nagsasabing, kahit na manatili kang chubby o mataba, sigurado namang sa buwan ng Agosto sa taon ding ito ng 2015 sa edad mong 26 pataas, isang lalaking katamtaman ang pangangatawan na medyo kayumanggi ang kulay ng balat ang manliligaw sa iyo, sa panahong ding ito sasagutin mo siya at magiging boyfriend upang pagsapit ng susunod na taong 2016, sa edad mong 27 pataas, tuluyan ng magaganap ang inyong simple, pero masayang pagpapakasal na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagmamahalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending