‘Ok nang si Melai ang nagwagi sa ’YFSF’ kesa naman kay Karla!’
HINDI ko napanood ang kabuuan ng grand finals ng Your Face Sounds Familiar last Saturday and Sunday pero I was in touch with some friends who were able to watch them perform.
Pinakamagaling daw si Jay-R says a friend pero since sobrang lakas ni Melai Cantiveros sa text votes, who did a Miley Cyrus number siya nga ang nanalo.
Nag-second si Nyoy Volante who did a Whitney Houston at nag-third si Jay R na gumaya kay Frank Sinatra habang fourth runner-up naman si Edgar Allan Guzman na gumaya kay Chris Brown.
Nakakatawa daw kasi ang sagot ni Melai when asked kung ano ang gagawin niya sa perang sakaling mapapanalunan – ibibili raw niya ng gatas ng anak niya.
Siyempre, ang mga sagot na iyon ang patok na patok sa mga tao – makamasa ang dating kumbaga. Si Jay R kasi was just very honest to say na gagamitin niya ang pera para makatulong sa music industry, makagawa ng kanta at music video para sa mga taong mahihilig sa musika.
Very high-end ang kaniyang sagot – alangan naman kasing sabihin niya ibibili niya iyon ng diapers ng anak ni Melai, di ba? Ha-hahaha!
Yesterday lunch ay binuksan ko ang Facebook account ko and saw a link on Melai’s performance – hindi man niya kaboses si Miley Cyrus pero cute ang attempt niya.
Hindi mo siya makikilala dahil sa prosthetics niya. She looked cute at kitang-kita ang pag-focus sa asawa nitong si Jason Francisco who looked so proud of her. Plus point na naman siyempre iyon for the couple, di ba?
Masayang natapos ang YFSF, for sure abot-langit na naman ang rating nito. Grabe ang following ng show since it started. In fairness, maganda naman talaga ang talent show na ito ng ABS-CBN.
At bongga rin ang judges – sina Jed Madela, Gary Valenciano and Ms. Sharon Cuneta.”Mabuti na lang at hindi nakapasok sa grand finals si Karla Estrada dahil kung nagkataon, kahit waley ang presence and performance niya, tiyak na siya ang win sa huli dahil sa enormous number of fans ng anak niyang si Daniel Padilla.
Thank God at hindi siya nakapasok dahil kung nagkataon, lalong yumabang siguro ang babaeng iyan,” anang isang regular viewer ng YFSF. Grabe naman kung magsalita ang fan na ito. Inaano ka ba ni Karla? Why can’t you just take her.
She’s a singer naman noon pa. “I don’t like her guts. Masyado niyang ginagamit ang anak niyang si Daniel. Pinipilit niya ang sarili niyang makabalik sa showbiz eh, mukha naman siyang balyena.
Dati ay behaved ang babaeng iyan pero nitong yumaman na, iba na ang tabas ng dila. Sana ay maging mas humble ang dating niya ngayong she’s up there.
“Kaya nag-pray talaga akong huwag siyang makapasok sa Top 4, alam ko na kasi ang mangyayari. Okay nang si Melai ang nag-win kasi deserved naman niya.
Nakakatuwa siya sa show – in her every performance, mapapangiti ka,” depensa pa ng kausap nating ayaw talaga kay Karla Estrada. O siya, siya. Out na si Karla sa topic.
Basta kami, we would like to congratulate ABS-CBN for this wonderful show, a real showcase of artists in a fun-filled competition. Kakaiba, di ba naman? Kahit 3rd place lang si Papa Jay R, happy na rin kami – ang mahalaga ay busy siya sa kaniyang singing career now that he is with ABS-CBN.
Isa rin iyan sa pinakamamahal kong singers. Mabait iyan and very cool. Congrats, Papa Jay R. We truly love you. Mwah!
Siyempre, congrats to you, Melai girl.
Ayan ha, marami ka nang pambili ng gatas ng anak ninyo ni Jason. Basta lagi mong alalahaning it’s really fun watching you in many shows. Nakakatuwa kasi ang antics mo. Huwag lang yumabang, okey?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.