Manugang ni Ka Roger dakip | Bandera

Manugang ni Ka Roger dakip

John Roson - June 05, 2015 - 06:40 PM

Andrea Rosal

Andrea Rosal


Dinakip ng mga pulis at sundalo ang isang lider ng New People’s Army (NPA) na manugang ng namayapang si Gregorio “Ka Roger” Rosal sa Noveleta, Cavite, mgayong hapon.

Nadakip si “Billy” Santiago sa Saint Rose Village, Brgy. Sta. Rosa 1, dakong alas-3, sabi ni Senior Superintendent Jonnel Estomo, direktor ng Cavite provincial police.

Mga miyembro ng provincial police, Calabarzon Regional Public Safety Battalion, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Intelligence Unit, at mga elemento ng Armed Forces ang dumakip kay Santiago, sabi ni Estomo sa isang text message.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court Branch 64, na nasa Mauban, Quezon, para sa kasong kidnapping at murder, aniya.

Si Santiago ay kasalukyang pinuno ng Regional Operations Command ng NPA Southern Tagalog Regional Party Committee at miyembro din ng isang squad na nago-operate sa ikatlo’t ikaapat na distrito ng Laguna, pati na sa hilaga at gitnang Quezon, ayon kay Estomo.

Si Santiago din ay mister ni Andrea Rosal, anak ng yumaong tagapagsalita at mataas na lider ng NPA Southern Tagalog na si Ka Roger, anang police official.

Matatandaan na si Andrea ay nadakip din ng mga pulis at sundalo sa Caloocan City noong Marso 27, 2014, tatlong taon matapos pumanaw si Ka Roger dahil sa iniindang karamdaman.

Naganap ang pagdakip kay Santiago apat na araw lang matapos maaresto si Adelberto Silva — ang kasalukyang pinakamataas na lider ng NPA na nasa bansa — sa bahay nito sa Bacoor City, Cavite, nito lang Lunes. (John Roson)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending