Baby nina Marian at Dingdong kaliwa't kanan na ang offer na TV Commercial | Bandera

Baby nina Marian at Dingdong kaliwa’t kanan na ang offer na TV Commercial

Ervin Santiago |May 27,2015
facebook
share this

Baby nina Marian at Dingdong kaliwa’t kanan na ang offer na TV Commercial

Ervin Santiago - May 27, 2015 - 02:00 AM

dingdong dantes

WALONG taon na pala ang nakalipas simula nang maging endorser si Marian Rivera ng Maxi-Peel. At kahit nga buntis na ngayon ang misis ni Dingdong Dantes ay muli pa rin siyang pinapirma ng kontrata ng naturang beauty product company.

“We grew with her. Our products became a byword among consumers because she is an effective user and endorser,” sey ng isang executive ng Maxi-Peel na masayang nag-welcome uli kay Marian sa kanilang pamilya.

Inamin talaga at ipinagmalaki ng magandang aktres na ginagamit talaga niya ang produkto simula pa noon. Pero ngayong buntis na nga siya ay sunblock at toner lang muna ang ginagamit niya, “Hindi ko rin naman kasi kailangan ‘yung ibang produkto dahil iba na ang sitwasyon ko.

Super thankful nga ako dahil kahit buntis na ako ay nagtiwala pa rin sila sa akin kaya promise, gagamitin ko uli ang mga produkto nila, after giving birth.”

Take note kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA, this early ay marami na palang nakikipag-usap kina Marian at Dingdong for possible product endorsements ng magiging anak nila.

Binanggit pa ni Marian ang isang kilalang brand ng baby products na nakikipag-negosasyon na sa kanila ni papa Dingdong. At bongga rin ang katotohanan na kahit nga pansamantalang nagpaalam ang aktres sa paggawa ng mga soap opera at iba pang mabibigat na trabaho, ay tila mas lalo namang dumami ang endorsements niya.

Nang biniro nga siya na baka mas malaki pa ang telnt fee niya sa ngayon kesa sa mga teleserye ay natawa na lang ang aktres, sabay tsikang, “Kering-keri naman.”

Samantala, pinabulaanan din ni Marian ang tsikang inayawan niya ang isang talk show sa GMA 7 kung saan makakasama sana niya si Regine Velasquez.

“Naku, hindi totoo. Actually naitanong na rin sa akin iyan pero wala pa kasing mga detalye ang project kaya wala rin akong maisagot. Basta ang sabi, makakasama ko si Ate Regs. Sus, gustong-gusto ko kaya yun.

Yun pa, eh, pareho kaming baklaan nu’n,” paliwanag pa ni Marian na mas trip na lang daw sumagot ng mga positive questions over the negative ones.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dedma rin siya sa kontrobersiyang idinulot ng ginawang dubsmash ni Angelica Panganiban kung saan tila pinag-away nga ng Kapamilya actress sina Marian at Heart Evangelista.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending