Kathleen Hermosa muling nakunan, fetus nawalan ng heartbeat

Kathleen Hermosa muling nakunan, fetus nawalan ng heartbeat

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Kathleen Hermosa muling nakunan, fetus nawalan ng heartbeat

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 06:15 PM

Kathleen Hermosa muling nakunan, fetus nawalan ng heartbeat

Kathleen Hermosa

MATAPOS mawala ang ipinagbubuntis na triplets ilang buwan na ngayon ang nakararaan ay muling nakunan ang aktres na si Kathleen Hermosa.

Nakumpirma ng kapatid ni Kristine Hermosa at ng kanyang asawang si Miko Santos na pregnant uli sila noong March 2, 2024, kaya naman abot-langit ang kanilang kaligayahan.

Ngunit napalitan agad ito ng kalungkutan at panghihinayang dahil makalipas lamang ang isang buwan ay sinabihan sila ng kanilang OB-gyne na tumigil daw ang heartbeat ng fetus.

Baka Bet Mo: Bagong silang na sanggol may fetus sa loob ng tiyan, nanay na-shock: Nagulat si Dok, sabi niya buntis daw yung anak ko!

Ito na ang pangalawang beses na hindi natuloy ang pagdadalang-tao ni Kathleen. Matatandaang noong November 2, 2023, ay ibinalita ng aktres na nakunan siya sa ipinagbubuntis na triplets.


Sa kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Kathleen ang malungkot na balita. Aniya, nasa Maynila sila noong mag-positive siya sa pregnancy test. Dumalo kasi sila sa binyag ng bunsong anak nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Baby Mochi.

Ayon kay Kathleen, talagang ingat na ingat siya sa pagkilos at sa kanyang mga kinakain noong mga unang araw ng kanyang pregnancy.

Sa follow-up checkup nila noong April 4 ay ipinaalam na nga sa kanila ng doktor  na wala nang heartbeat ang fetus sa kanyang sinapupunan nang dahil sa tinatawag na congenital thrombophilia.

Ayon sa isang health website, ang thrombophilia ay isang kondisyon na ginagawang mas malamang na bumuo ng mga clot ang dugo.

“Tumigil ‘yung heartbeat. May heartbeat na nu’ng una. Lumaki din ‘yung baby, may limbs na, so nag-form pero tumigil,” ang kuwento ni Kathleen kay Kristine habang magkausap sila sa video call.

“Ang ibig sabihin nu’ng congenital thrombophilia, humihinto ang supply ng dugo ng mommy papunta sa fetus,” paliwanag pa niya.

Sinabihan din sila ng doktor na healthy naman ang kanyang uterus pero sa susunod daw na mabuntis siya ay kailangan na niya ng 10 months bed rest.

Pero sa kabila nito, pinairal pa rin ng aktres ang pagiging positibo, sabi pa niya kay Kristine, “Tuloy ang buhay. Nakakapanghina lang.

Baka Bet Mo: Lovely Abella lalong nabuhayan ng loob, narinig ang heartbeat ng ‘miracle baby’

“Ganu’n pala talaga pag buntis, nire-revolve mo, like, everything stopped. Alalay talaga, ganyan. Sabi nila the show must go on, kaya dapat happy pa din,” sabi pa ni Kathleen.

Pinayuhan naman siya ng kapatid na huwag mawalan ng pag-asa at ipagpatuloy lamang ang pagdarasal sa Diyos.

Sa isang bahagi ng vlog, ipinakita rin ang pag-uusap nina Kathleen at Miko tungkol sa pagkawala ng kanilang “fourth baby.”

Sabi ni Kathleen, “Hindi ko talaga naiintindihan ang nararamdaman ko at this point. I was so confused. I have so many questions. I couldn’t even understand if I’m really sad or jaded na ako. I feel the rejection.

“It’s so strong that I really couldn’t imagine ano ba talaga ang purpose mo, God, sa akin, sa buhay namin? Things keep replaying in my head. Di ko talaga maintindihan saan ako nagkamali.

“May nagawa ba ako, kami ni Miko, na hindi naka-honor kay God? Na-disappoint ba namin Siya?” ang emosyonal na sabi ni Kathleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathleen Hermosa – Santos (@kathermosa)


“The time I realized that I wanted a child and a family of my own, I obeyed God and keep on obeying God in every area of my life.

“But right now, when things happen like this, you would really get confused and you don’t know where to go, what to do next…I’ve been trying to find purpose in your life, God’s purpose in your life.

“In such pain like this, and having this deep great desire in my heart to be a mother of my own child, it’s really normal to get tired of trying,” pahayag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And if you ask me if I’m gonna conceive again, we will never give up trying. Alam ko God has great plans for us,” ang sabi pa ni Kathleen Hermosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending