Mga babaeng nakunan pwede bang mag-leave with pay?

Mga babaeng nakunan pwede bang mag-leave with pay?

Ervin Santiago |March 27,2024
facebook
share this

Mga babaeng nakunan pwede bang mag-leave with pay?

Ervin Santiago - March 27, 2024 - 01:54 PM

Mga babaeng nakunan pwede bang mag-leave with pay?

SA pagdiriwang ng Buwan ng Mga Kababaihan, nagbigay ng libreng konsultasyong legal ang public service program na “CIA wita BA” at isa na nga rito ay kung maaari bang mag-leave with pay ang mga babaeng nakunan.

Maraming napag-usapang batas na may kinalaman sa mga karapatan ng kababaihan.

Isa sa mga natalakay sa segment na “Yes or No” sa episode nitong Linggo, March 24, ay ang posibilidad na mag-file ng maternity leave kapag ang isang babae ay nakunan.

“Meron po kasi akong kaibigan na recently, unfortunately po, nakunan po siya,” tanong ni Aya ng Mariteam.

“Ngayon sabi po sa akin nu’ng iba ko namang kaibigan na pwede naman daw po siyang mag-avail pa rin ng maternity leave dahil kailangan na kailangan po ito ng katawan niya. Totoo po ba ‘yon?” aniya.

Baka Bet Mo: Ina ng batang na-bully at may bipolar disorder pinayuhan ng CIA with BA

Diretso mula kay Sen. Pia Cayetano, na mismong principal author at sponsor ng Republic Act No. 11210 o Implementing Rules and Regulations (IRR) of the 105-Day Expanded Maternity Leave Law, nakakuha si Aya ng sagot na “yes.”

“Kapag nakunan ang isang babae, covered talaga ‘yan sa maternity leave law,” sabi ng senadora.

Paliwanag niya, “Ang maternity leave law is 105 days kasi it takes into consideration na mag-aalaga ka ng baby, ‘di ba?

“Not necessarily na ‘yung katawan mo aabutin ng 105 days mag-recover pero matagal mag-recover ang pagpapaanak, tapos nagpapasuso ka pa, nag-aalaga ka pa, kaya we extended that to 105,” sabi pa niya.

Dugtong ni Pia, kapag nakunan ang isang babae, ang leave ay maaaring magtagal ng hanggang 60 araw.

Ayon sa Section 4 at Section 5 ng batas na naipasa noong taong 2018, para sa mga babaeng manggagawa sa pribado at pampublikong sektor, “Maternity leave of sixty (60) days, with full pay, shall be granted for miscarriage or emergency termination of pregnancy.”

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Sen.Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending