Marian sa pagtakbo ni Dingdong sa eleksiyon: Susuportahan ko siya, naniniwala ako sa kanya! | Bandera

Marian sa pagtakbo ni Dingdong sa eleksiyon: Susuportahan ko siya, naniniwala ako sa kanya!

Ervin Santiago |May 27,2015
facebook
share this

Marian sa pagtakbo ni Dingdong sa eleksiyon: Susuportahan ko siya, naniniwala ako sa kanya!

Ervin Santiago - May 27, 2015 - 02:00 AM

mariandong  rivera

Kung magdesisyon man si Dingdong Dantes na tumakbo sa darating na 2016 elections, 100 percent ang ibibigay na suporta ng kanyang misis na si Marian Rivera.

Pero sa ngayon daw, wala talagang balak sumabak sa mundo ng politika ang kanyang mister, kahit na nga matunog na matunog na ang pangalan ng Kapuso Primetime King sa mga survey para sa mga senador na malaki ang posibilidad na manalo sa 2016.

“Alam mo si Dong kasi ang tipong tao na kapag may gusto siyang gawin, dedicated talaga siya, e. Example, yung YES Pinoy Foundation niya, all the way sinusuportahan niya.

Ngayon, nasa National Youth Commission siya, so ang dami niyang ginagawang hindi nalalaman ng tao. Hindi naman kasi si Dong yung tipo ng tao na bawat kibot, naka-post, e,” sey ng aktres.

Pero paano kung biglang magbago ang isip ng kanyang asawa sa isyu ng politika, “Anuman ang mangyari sa desisyon niya, susuportahan ko siya. Kasi naniniwala ako sa kanya, e.”

Samantala, muling pumirma ng kontrata si Marian bilang celebrity endorser ng Maxi-Peel kahapon kasama ang mga bossing ng nasabing kompanya.

Habang dumadaan ang mga buwan ng kanyang pagbubuntis ay mas lalong gumaganda si Marian, kaya sabi nga namin siya na ang pinakamagandang pregnant celebrity na nakita namin.

Medyo may umbok na ang tiyan ni Marian nang umapir sa contract signing and press launch niya sa Maxi-Peel.Pero biro ng aktres, kumain lang daw siya ng hamburger kaya lumaki ang tiyan niya.

Kahapon ng umaga rin nagpunta sina Yan at Dong sa OB Gyne pero hindi raw nila nakita ang gender ng baby dahil bigla itong tumagilid. Babalik daw uli sila sa doktor next week.

Samantala, todo ang pasalamat ng mga taga-Maxi-Peel dahil muling pumayag si Marian na maging brand ambassador nila. “We feel that Marian is the perfect mentor for this campaign…kasi gusto namin totoo,” sabi ni Ms. Natasha Taleon, ang tumatayong brand manager.

Sey naman ni Marian, “Nandito ang Maxi-Peel para alamin ang puno’t dulo kung bakit sila (mga girls) nahihiya. Sa eight years na magkasama kami ni minsan hindi naman ako nagkaroon ng problem sa kanila, kaya nga andito pa rin ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi naman namin sinasabi na pag may pimple ka pangit ka, kung may pimple ka di ka pwede magka-boyfriend…hindi kasi kami scripted,” pagmamalaki pa ni Marian.

In fairness, malakas ang recall ng bagong TV commercial ng nasabing produkto na tumatalakay sa kakaibang ganda ng mga Pinay. Gustung-gusto namin ‘yung concept nila kung saan gumanda ang mga babaeng halos mawalan na ng pag-asa dahil sa kanilang itsura.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending