Tensioner, timing chain, balancing | Bandera

Tensioner, timing chain, balancing

- July 04, 2012 - 05:30 PM

MALAKI ang problema ng rider na si Sanghon Buado, 24, ng Baguio City, tungkol sa kanyang motorsiklo na gamit niya sa pagde-deliver ng dyaryo sa araw-araw.

Base sa kwento niya sa Bandera Motor bagung-bago niyang nabili ang kanyang  motor na Suzuki Raider 150cc noong Oktubre lang.

At nitong nakaraang buwan ay may narinig na siyang kakaiba sa loob ng makina na ayon sa kanya ay parang “ticking sound”.

Dinala na ni Buado ang kanyang motor sa iba’t ibang mekaniko ngunit iba-iba rin umano ang sinasabi ng mga ito.

Hindi pa rin umano niya pinabubuksan ang makina dahil duda siya  sa payo ng mga mekaniko.

Sabi umano ng mga mekaniko sa kanya ay maaaring gawa ng tensioner, maluwang na timing chain at balancing ang posibleng dahilan kung bakit may kakaibang tunog ang makina ng motor.” Sabi pa nila ok lang daw ito.

Sir, natatakot ako ipabukas ang makina kasi bago pa lang po.

Ano po kaya talaga ang problema ng motor ko? Sir sana masagot ninyo ang tanong ko para magamit ko na yung motor ko,” hirit pa sa Bandera Motor ng rider na si Buado.

Ito lang ang maipapayo ng Bandera Motor  sa iyo G. Buado:  Kung hindi matukoy ng mga mekaniko na nilapitan mo ang tunay na diperensiya ng iyong Raider, at base lang sa haka-haka, makabubuting dalhin mo ito sa mekaniko ng Suzuki dealer mismo.

Hindi na ito dapat ipagpaliban pa, dalhin ito agad para magawan ng solusyon.

Ang tensioner, timing chain at balanse sa makina ay kailangang makumpuni agad para di lumaki ang sira.

Tandaan din na ang Raider ay hindi dinisenyo para sa mabibigat na karga o matarik na ahon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung hindi naman maiiwasan ang mabigat na karga at matarik na ahon, lalo pa’t nariyan ka sa lugar na matataas ang lugar,  palakihan mo ang sprocket sa likod.

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8052374

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending