Angeline Quinto desidido nang magparetoke, uunahin ang ilong

By Reggee Bonoan May 21,2015
share this

Angeline Quinto desidido nang magparetoke, uunahin ang ilong

By Reggee Bonoan May 21,2015
share this

angeline quinto

“MASARAP kumain, eh. ‘Wag kang mag-alala, papayat na rin ako kasi malapit na kaming mag-taping.”

Ito ang sabi ni Angeline Quinto nang tanungin namin kung may pinabago siya sa mukha niya at bakit tila sumobra ang taba niya ngayon kaya halos hindi namin siya nakilala.

Ang tinutukoy niyang taping ay para sa seryeng Ang Probinsiyano kung saan makakatambal niya uli si Coco Martin. Lumaki rin kasi ang ilong ni Angeline kaya tinanong din namin siya kung nagpa-nose job siya, pero umiling ang dalaga.

At nang makasabay namin siya sa elevator, “Ikaw talaga ate Reggee, kung anu-ano ang pinagsasabi mo, wala pa (retoke ng ilong), sobrang tumaba lang ako, hindi ko pa ginagawa, gagawin pa lang.”

Sunod na tanong namin sa kanya kung idol ba niya si Lani Misalucha, “Opo, pero mas idol ko si Regine Velasquez. Bakit n’yo naitanong?”

E, kasi si Lani sa tuwing uuwi ng Pilipinas ay parang laging nababago ang mukha dahil sa kakaretoke, baka kasi sinusundan mo ang yapak niya? “Hala, grabe ka ate Reggee! Masarap lang kumain, naparami kain ko kaya tumaba ako, malakas ako kumain, e, hindi ako masyadong busy,” natawang sagot niya sa amin.

Nabanggit din namin na baka mabuhay ang nakaraan nila ni Coco Martin sa muli nilang pagsasama sa FPJ’s Ang Probinsiyano, “Hmmmm, ikaw lang naman ang bubuhay, eh. Okay na ‘yun, wala naman ‘yun, kunmbaga naka-move on na.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending