Maja tinuhog sina Dennis at Ser Chief; game na game sa sex
Sa presscon ng pelikulang “You’re Still The One” ay natanong si Maja Salvador kung ano ang nagtulak sa kanyang gawin ang maiinit na love scenes nila nina Dennis Trillo at Richard Yap.
“Tinanong ako kung okay sa akin na gumawa ng movie with Dennis Trillo, sabi ko, ‘oo naman’ siyempre, Dennis Trillo ‘yan, aarte pa ba ako. E, nu’ng binabasa ko na ang script, naloka ako, pero naka-oo na ako, hindi na ako makaurong,” sagot ni Maja.
Bukod kina Maja, Dennis at Richard, kasama rin sa movie ang mag-asawang Jason Francisco at Melai Cantiveros mula sa direksyon ni Chris Martinez handog ng Regal Entertainment at Star Cinema.
Kuwento ni direk Chris tungkol sa role ni Maja, “Malaki ‘yung hiningi ng role from her in terms of maturity ng character, views about love and relationships and sex, ‘yung ganu’n. So this is something very mature for her.”
Nagulat din kami na pumayag si Maja na magkaroon ng love scenes sa dalawang leading man niya sa pelikula. At asahan daw ng mga manonood na mas matitindi ang love scene ni Maja sa “You’re Still The One” kesa sa mga ginawa niyang sexy scenes sa seryeng Bridges Of Love.
Anim ang love scenes ni Maja sa pelikula, tatlo kay Dennis at tatlo rin kay Richard Yap, “Grabe ‘yung pagka-mature ng karakter kaya hindi lang ako sa love scenes nag-worry kasi may dialogues din, ‘yung sitwasyon din, ‘yung mismong karakter, sobrang aggressive. Sa pelikulang ginawa ko, ito ‘yung pinaka!”
Grabe ang love scenes nina Maja at Dennis dahil mayroon sa kama, sa kusina at iba pang bahagi ng bahay. Samantalang kay Richard naman ay sa kama, sa salas at sa shower room.
Natawa naman si Maja nang magkomento sa love scene nila ni Ser Chief, “Dati kasi tatay-tatayan ko siya (sa seryeng My Binondo Girl), ngayon, ka-love scene ko na. Pero kailangan kong gawin, trabaho lang, kaya mama Chen (asawa ni Richard), trabaho lang po.”
Natanong naman si Maja kung posible bang ma-fall siya kay Dennis, “Nakaupo pa naman ako, hindi pa naman ako nahuhulog!” Hirit pa ng aktres, “Sa eksena kasi namin sa movie, may ganu’n.
Pwede, pero hindi, tingnan po natin. Depende ‘yan kay Dennis, pero ngayon, kumalma lang po, kalma lang ang puso ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.