Albert tinawag na 'Itim na Dwende' ni Amalia Fuentes | Bandera

Albert tinawag na ‘Itim na Dwende’ ni Amalia Fuentes

Cristy Fermin - May 18, 2015 - 02:00 AM

albert martinez

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakahahakbang nang pasulong sa pagkawala ng kanyang kaisa-isang anak na si Liezl ang beteranang aktres na si Ms. Amalia Fuentes.

At madali namang unawain ang kanyang damdamin, anak ang nawala sa kanya, hindi ganu’n kadaling kalimutan ang pagkawala ng dugo ng kanyang dugo lalo na’t nag-iisa lang ito.

Sa isang pakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan ay naglabas uli ng emosyon si Tita Nena. Black dwarf ang tawag niya kay Albert Martinez. Ang nasabing duwende raw ang dahilan kung bakit sila nagkaroon ng problema ng kanyang anak.

Inilabas din niya ang kuwentong nangungutang ng pera sa kanya si Alyanna, ang panganay nina Albert at Liezl, para ipambili ng isang condo unit kung saan ito titira at ang kanyang boyfriend.

Pitong milyon ang inuutang sa kanya ni Alyanna, kung saan ito kukuha ng ipambabayad ay hindi rin niya alam, hindi niya pinagbigyan ang pangungutang ng kanyang apo.

‘Yun ang naiisip niyang dahilan kaya kung anu-anong posts ang inilalabas ni Alyanna sa social media, hindi kasi niya pinagbigyan ang malaking halagang inuutang nito, napakababaw na dahilan para kay Tita Nena.

“Nu’ng maysakit ang anak ko, ang palagi kong dasal, sana’y idagdag na ng Diyos kay Liezl ang natitira pang panahon ko sa mundo. Ako na lang ang mawala, huwag ang anak ko, dahil ang anak ang naglilibing sa magulang at hindi magulang ang naglilibing sa kanyang anak,” pagtatapat ng beteranang aktres.

Pero ganu’n talaga ang buhay, kapag takdang panahon mo na ay wala nang silbi ang mga dahilan at katwiran, isasauli mo na ang iyong hiram na buhay sa Panginoon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending