RUFFA umaarte lang, di pinatulan ng the buzz | Bandera

RUFFA umaarte lang, di pinatulan ng the buzz

|June 26,2012
facebook
share this

RUFFA umaarte lang, di pinatulan ng the buzz

- June 26, 2012 - 04:35 PM

MARAMING nagtatanong sa amin kung babalik na si Ruffa Gutierrez sa The Buzz dahil base nga sa mga naging tweet nito ay never daw siyang binastos o gagawin ng nasabing programa ang ginawa sa kanya ng Paparazzi during her birthday episode noong Sabado.

Tila pagpapahiwatig daw ito na gusto niyang bumalik o pinababalik na siya sa The Buzz.
Nagtanong kami sa ilang taga-The Buzz kung posible bang ibalik sa programa si Ruffa.

Say mismo ng isang The Buzz executive sa amin, “Management ang magsasabi sa amin, Reggs.”

Tinext naman namin ang isang ABS-CBN executive, at sabi nito,  “Have not heard about it.”

Sa pagkakaalam namin ay may isang taon pa ang kontrata si Ruffa sa Paparazzi kaya sa 2013 pa ito magtatapos kaya paano ‘yung sinasabi niyang nag-resign na siya sa programa dahil isa raw itong “trashy” show?

Malaking isyu ang ginawang ito ni Ruffa sa sarili niyang programa kaya’t nagtanong kami sa taga-The Buzz kung kinuha nila ang panig ng TV host-actress para maipagtanggol nito ang kanyang sarili.Pero nagulat kami sa sagot ng aming kausap, “Hindi no! Hindi kami nagka-interest na kunin ang side niya, pinanood namin sa YouTube ‘yung show, wala naman kaming nakitang foul, wala naman kaming nakitang mali.

“Kung anuman ‘yung tinanong sa kanya, walang nakakaalam kung hindi ‘yun sinabi ni Annabelle (Rama) sa tweet niya, hindi naman ‘yun mabubuko. E, sila ang nagbuking sa sarili nila.”

Puwede sanang sakyan ng The Buzz ang isyu ni Ruffa since puwede nitong tirahin ang Paparazzi na halos katapat ng Showbiz Inside Report ng Dos.

“Hindi namin sasakyan ang kaartehan ni Ruffa, nag-ingay lang ‘yan para pag-usapan ang birthday niya kasi nga walang ingay at walang big party.

Sabihin mo, nagamit ang Paparazzi sa birthday niya,” diretsong sabi sa amin.

Kaloka naman, pinuri na nga ni Ruffa ang The Buzz, hindi pa rin pala niya nakuha ang simpatya ng mga tao roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending