‘Laplapan video’ nina James at Nadine kalat na; fans kinilig
Lumabas ang kissing video nina James Reid and Nadine Lustre sa YouTube.
Kitang-kita ang paglalaplapan ng dalawa na kuha yata sa isang workshop. The kissing video lasted for 16 seconds.
Mukhang pinapatindi ng namamahala sa career nila ang interest kina James and Nadine. Nahahalata nila siguro na kulang sa push ang love team ng dalawa kaya sila na ang gumawa ng paraan para mapag-usapan ang Jadine love team.
Hindi kasi consistent ang kanilang popularity. Waning na ang kanilang kinang at medyo natatalbugan na sila ng ibang love team sa Dos. Marami na nga ang humanga sa love team nina Enrique Gil at Liza Soberano. Sobrang dami nilang fans at talagang sinusuportahan sila nang todo.
Anyway, mukhang hindi naman kasi napapantayan nina James and Nadine ang love team nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Milya-milya pa rin ang agwat ng kanilang popularity.
Actually, ang sinisisi ay si James. Obvious kasing wala itong kaamor-amor kay Nadine. Halatang-halata na hindi nito type ang dalaga.
Kung pagbabasehan ang mga nakarang photos ni James with other women, mukhang malabo ngang magustuhan niya si Nadine. Mukhang napipilitan lang siyang pakisamahan ang dalaga all because they are in a love team. Sayang nga naman ang mga projects at ang kikitain nila, di ba?
We hope that the Jadine Kissing Video brings kilig to the fans of James and Nadine. At nawa’y mapag-usapan sila at sumikat.
“So puro halikan nalang ang workshop? Pwede bang i-workshop din ang acting.”
“Grabe humalik si James. Nadine you are so lucky.”
“Kakainggit naman ang babaeng yan! kahit hindi naman kagandahan natikman niya ang masasarap na labi ni James! Halata namang siya ang baliw na baliw kay James no!”
“Ganyan dapat ang mga scandal na lumalabas kay James. Kahalikan si Nadine. Edi kilig ang mga jejedinetards.”
‘Yan lang naman ang reactions ng mga tao sa social media sa kumalat na kissing video nina Nadine at James.
May ilan pa kaming nabasa na puro kanegahan ang pinagsasabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.